M.A. 26: Frorea Gardens

6.6K 288 13
                                    

"Talaga ba? Salamat talaga sa diyos at nakarating ng maayos si Maxxine doon" Sabi ng ginang na kumupkop sa dating munting prinsesa na si Safiara na kilala na ngayon sa pangalang Maxxine. Kinakausap ngayon ni Gina ang alaga nitong agila na pinapunta nya sa Magixx Academy upang kumpirmahin at tignan ang lagay ni Maxxine. Kahit nasa mundo ito ng nga tao ay ginagamit parin nito ang charm nya tuwing wala itong nagagawa o kapag nabobored ito.

"Sana ay malaman na ni Maxxine ang tunay n'yang pagkatao" Sabi ni Gina. Nalulungkot parin sya sa pag-alis ni Maxxine, kahit pinaghandaan na nito ang pag-alis nya ay lubha pa rin itong nalulungkot. Siya ang kumupkop sakanya kaya ganoon na lang ang pagmamahal na naibigay nya sa bata, si Gina ay walang anak noong nasa Charm World pa siya, hindi kasi nagbunga ang pagsasama nila ng asawa nyang namatay bago maganap ang digmaan, at ganoon na lang ang tuwa nya ng magkaroon ito ng pagkakataon na mag-alaga ng bata na parang galing ito sakanya.

Hinimas ni Gina ang ulo ng agila bago nya ito pinalipad sa himpapawid. Ang agila ang nagsisilbi nitong tagabalita tungkol sa itinuring nitong anak na ngayon ay nakatira na Charm World.

---

Maggagagabi na pero hindi pa rin namin napupuntahan ang ikalawa naming destinasyon na hanggang ngayon hindi ko pa alam kung saan.

"Hey, can we stop here?" Sabi ni Fiona na nasa pinakaunahan naming lahat kasama mga froglets niya.

"Tss" Ang reaction ni Yhuri, pumapayag ba sya? Sa ngayon pinapanigan ko si Fiona, maggagabi na kasi, kailangan naming magpahinga at kumain.

"Pweding ipagbukas na lang natin to?" Tanong ko kay Yhuri na tumigil sa paglalakad.

"Sige na, Yhuri. Tomguts na ako eh!" Kantsaw pa ni Walter, ang patay gutom sa grupo.

"Okay, but we need to be careful. Many monsters luving here" Sabi nito habang umuupo sa isang puno, isinandal niya ang ulo niya at pumikit.

"Bilis, kainan na!" Sabi ni Walter kay Windy na may hawak sa pagkain namin.

"Pweding maghintay? Hindi kita bigyan eh" Nagpout si Walter.

"Babe naman eh!" Biglang napatigil si Windy sa paglabas ng mga tupperware, nang umangat ang mukha niya ay kitang-kita namin ang namumula niyang pisngi.

"A-anong b-babe?"

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon