M.A. 4: First Day At Magical School

12.4K 498 56
                                    

Maxxines’s Point of View

Maaga kaming nagising nila Wanda at Melody dahil ngayon ang unang araw namin sa pagpasok sa academya. Kumain lang kami ng umagahan at tinungo ang Arena isa itong pabilog na stadium, parang hagdan ang upuan nito. Pumasok kami rito dahil dito gaganapin ang pagpili ng mga section kung saan ka nabibilang. Ang pagpili ng section ay nakabase sa lakas at kapangyarihan mo. Mayroong limang section ang mga bawat year dito. Una ang pinakamahina o dito inilalagay ang mga newbies (like me) o hindi pa kayang palabasin ang kanilang magix tinatawag itong Sapphire Class. Ang pangalawa ay ang mga maykakayahan ng maipalabas ang kanilang mga magix tinawag itong Diamond Class. Pangatlo ang may kakayahan ng kontrolin ang kalahating porsyento ng kanilang magix at dito rin ang section nila Wanda at Mel tinatawag itong Emerald Class. Pang-apat ay ang may kakayahang maipamalas ang kanilang magix ng buong porsyento o kayang kontrolin ang kanilang magix, dito rin nakasection ang mga royalties na sina Rosette tinatawag itong Ruby Class. At ang pang huli ay ang Gemia Class, wala pang mga magixians ang nakapasok rito kaya free ang room na ito.
Kinuwento lahat ito ng dalawa kong bestfriend na sina Wan at Mel. Laking pasalamat ko sa kanila dahil kahit konti may alam ako sa mundo nila––namin. Yes, I accept that I belong here in this magical world.

Kami ngayon ay nakaupo sa mga upuan dito ng stadium nasa may bandang taas kami.

Good Morning Magixians. This is the day that you'll know your section it’s either Sapphire, Emerald, Diamond, Ruby or Gemia. So this is the mechanics. Just put your palm in a leaf in front of everyone of you. And it will detect your every section– MC. But before of that, I will discuss first the rules of our academy.”

“Our first rule is, do not leave our academy without the permission of our headmistress. Dahil mapanganib ang labas ng academy na ito, marami ang mga mababangis na hayop ang pwedi kang patayin. Second, do not use your magix to harm magixians. Huwag na huwag ninyong gagamitin ang kapangyarihan ninyo, para manakit ng kapwa magixians.
Third, do not kill. Huwag na huwag kayong papatay ng kapwa nyo magixians dahil may mabigat na parusa ang kakaharapin niyo kung ginawa nyo ito. Fourth, the curfew is 11pm so you need to go to your dorm. May mga staff ng academy ang mag-titingin kung kayo talaga ay nasa inyong dorm. Fifth, follow all the rules. Our academy will give you a Rule book to read that and follow those rule written on that book.” then suddenly a large book appear in front of us. Kinuha ko ito at inilagay sa bag ko.

“Now, put your palm in the leaffix”

Linagay na ng bawat magixian ang kanilang kamay sa bawat dahon na nasa harap namin, at ang akin ay umilaw ng napakatingkad na kulay pula, napapikit ako dahil doon. Nakakasilaw kaya. Pagkabuklat ng mata ko ay nasa harap na kaagad ako sa isang classroom na kulay pula at may naka engrave na Ruby Class sa taas ng pintuan nito. Paano ako napunta rito, ang alam ko nasa arena ako, nilagay ko lang ang kamay ko sa dahon tapos umilaw ng napakatingkad kaya napapikit ako and pagbukas ko ng mata narito na ako. Ito na ba ang section ko at bakit nasa Ruby Class ako, wala naman akong magix at hindi naman siguro ganon kalakas kung meron man kong magix, nakapagtataka naman, nagkamali lang siguro sila.

“Maxx” napatigil ako sa pagiisip ng may tumili ng pangalan ko.
Si Windy pala. Lumapit sila saakin at tinanong ako.

“Dito ba ang section mo, Maxx?” tanong ni Xandra ng nakangiti.

“Nakapagtataka nga eh, hindi namn ako ganoon kalakas para mapunta rito sa section nyo.” sagot ko.

“Ano kaba dito ka dinala ng leaffix, kaya dito ang section mo” sabi ni Xenon.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon