M.A. 15: Charm Mall

9.6K 361 17
                                    

MAXX's POINT OF VIEW

Isang araw na ang nakalipas at ngayon ang araw na pagpunta namin sa charm malls. Sabi ni Wanda isa daw itong mall kung saan na roon na lahat ng mga gusto mo, like potions, dress, food, and etc.,

Magaling na kami sa tulong ni Lady Jealle kaya maaari na kaming magtungo roon.

Naibigay narin nila ang mga allowance namin. Malaki ang nakuha kong allowance. 'Yung binigay nilang pera ay nakatago sa binigay nilang bracelet saamin na kulay silver at may maliit na dyamante sa gitna nito. Ito daw ang nagsisilbi namin credit card ayon kay Mel. Kung bibili ka raw ay ibibigay mo ito sa tindera at iiscan nila ito at doon na kukunin ang bayad. Pwedi karin maghulog rito ng pera basta't pumunta ka sa Charm Bank at mag loan, pwedi karin na magwidraw dito.

Naghahanda na ako para sa pagpunta namin doon. Marami din daw kaming mabibili doon na pweding gamitin sa mission namin kinabukasan. Oo bukas na ang mission namin kaya ngayon bibili kami ng kagamitan para sa mission. Sana magawa naming hanapin ang elemental gems.

"Maxx! Hindi ka pa ba tapos?!"sigaw ni Mel. 'To talagang babaeng 'to napakalakas ng boses. Sasama din sila sa Charm malls para makabili ng mga gusto nya. Free day namin ngayon, ganyan daw talaga pagkatapos ng Rank test may free day para magamit ang napalanunang pera. Iba ang tawag sa pera nila dito.
Ang pera nila ay mga silver para sa piso, bronze naman para sa 5 pesos at gold or lux kung tawagin rito ay 10. Iba ang value nang mangayan. Silver is 1,000. Bronze is 5,000 and Gold is 10,000.

Ang laki talaga ng value ng mga pera nila. Ang yaman siguro ng mga tao rito.

"Patapos na!"sigaw ko pabalik sa kanila. Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis ng dress na polkadots na red. Above the knee ito, wala na kasi akong ibang damit ea. Pinonytail ko ang mahaba kong buhok at kunting pulbos sa muk'a and viola tapos na.

Pagkababa ko nasilayan ko ang dalawa na parehong nakadress. Wahh! Napapayag ni Mel si Wanda na magdress. Ayaw na ayaw kasi ni Wanda na nagd-dress e. Tinanggal na rin nito ang kanyang salamin at konting retouch. Ang ganda talaga nya. Si Mel ay naka dress na kulay pink na floral at si Wanda na nakadress na stripes blue and white. May light make up sila.

"Wow! Ang gaganda nyo naman!"papuri ko sa kanila.

"Alam ko na 'yun. Haha. Ganda mo din."sabi Mel. Tila nahihiya naman si Wan.

"'Uy, Wanda. Ganda mo dyan sa dress mo ah!"sabi ko sakanya.

"Ihh! Nakakahiya yung suot ko, masyadong nakaexpose yung l-legs ko eh."si Wanda 'yan.

"Ano ka ba! Be proud, ganda mo kaya."comento ni Mel. Sumang ayon naman ako sa sinabi nya.

"Tara na nga! Baka hinihintay na tayo nila Windy!"suhestyon ko sakanila. Lumabas na kami ng dorm. Napapatingin naman saamin ang ibang istudyante habang naglalakad kami.

Hindi namin pinansin ang mga taong tumitingin saamin bagkus kami ay nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Napagusapan namin na magkita kami sa Garden kung saan nakatira 'yung mga fairies. Pagkarating namin doon ay kumpleto na sila. Nahiya naman kami kasi kami nalang pala 'yung hinihintay.

"Sorry, kung nalate kami" pagsosorry ko sakanila.

"Ano ka ba. Okay lang hindi panaman late eh"si Xandra na naka dress ng kulay yellow with a design of thunders. Ganda nya.

"Meron pa tayong hinihintay, kaya hindi kapa late" si Windy na naka dress ng kulay white na may disenyong ipo ipo. Ganda rin nya.

Akala ko kumoleto na sila. Sino ba 'yung hinihintay nila?

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon