Happy 2K reads mga charmers/magixians. I didn't expext this. Huhu. Sana magtuloy tuloy itong pagsuporta ninyo, hanggang maging million ang reads, charot! Thank you again, mga cuties. A little treat po itong chappy sainyo.
~*~
Chapter 24: Battle between Good and Bad
Loxxycutie's POV
Sa kaharian ng Gemia, ay nagtipon ang mga Gemians upang masilyan ang bagong silang na si Safiara, ang anak ni Reyna Azshalea at Haring Ashton.
Ang pagsisilang kay Safiara, ay binansagang Safiara's Birth na dinadaos tuwing ika-dalawa ng Disyembre, ang araw ng pagsilang nya, ang Safiara's Birth ay parang pasko kung ituring sa mga tao.
Sa pagkasilang ni Safiara ay may lumitaw na magical circle sa kalangitan na may mga ancient words. Ang magical circle ay may iba't ibang uri ng kulay na nagpeprisinta sa bawat elemento. Ang magical circle na ito ay ang dahilan nang lalong paglakas ng mga charmers at ang long paglago ng kaharian nila. Ito nagsasagisag na isinilang na ang tagapagligtas ng buong charm world laban sa mga blasck magixian, at ito ay si Safiara.
Pero sa panahong rin iyon ay ang pag-atake ng mga black magixians na may malakas na pwersa dahil sa Darkfiero Gemstone na hawak nila. Mas malakas sila sa ibang kaharian dahil ang mga Gemstones na pinangangalagaan nila ay napasakamay ng reyna ng kadilim sa tulong ng kanyang matapat na alagad-si Darkius ang may kapangyarihang magnakaw ng alin mang kapangyarihan.
Ngunit may alas pa rin ang Gemia dahil hawak ng kanilang reyna ang makapangyarihang gemstone sa buong Charm World-ang Gemlack Gemstone.
Una nilang pinuntirya ang mga tribo, sa una ay nahirapan sila dahil malalakas ang mga naninirahan sa mga tribo, lalo ng mga lider ng mga iyon. Ngunit nang tumulong sa mga black magixian si Darius at ang reyna ay agad nilang napabagsak ang mga tribo.
Habang nakikipagdigmaan ang mga taga tribo laban sa mga black magixians ay nag-aalala ng husto ang kanilang reyna sa kahihinatnan ng kanilang bagong silang na anak.
"Ashton mahal, paano na si Safiara. Baka kunin sya ni Divine." umiiyak na saad ng reyna habang buhat ang kanyang napakagandang anak na nakabalot sa kulay ubeng tela na may nakaukit na 'Safiara' sa gintong sinulid.
"Huwag kang mag-alala aking mahal, poprotektahan ko kayo ni Safiara." Hinalikan ni haring Ashton ang noo ng kanyang mag-ina.
"Mahal na hari, ipagpaumanhin mo po ako sa aking istorbo, ngunit ang hukbo ng mga black charmers ay nakapasok na sa ating kaharian." Napatingin ang hari sa kanyang kawal na halata ang takot at kaba.
"Paanong nangyari iyon?"
"Nabasag po nila ang ating barrier sa pamamagitan ng Darkfiero Gemstone na hawak nila. Sila ay nakapatay na ng mga Gemians, takot na takot na po ang mga mamamayan." Salaysay nito nang hindi nakatingin sa mata ng kanyang mahal na hari. Alam nang kawal na kawal lamang sya at ang kaharap nya ay ng hari, ito qy rumerespeto kaya hindi ito nakikiagtitigan sa hari. Hindi naman sila magkapantay ng antas para mag-usap ng titigan.
"Ihanda lahat ng ating hukbo, magpadala kayo rito ng sampung kawal upang mabantayan ang aking mag-ina. Sabihan na rin ang ating mga alagad na dragon at ibang nilalang upang makatulong." Sabi ng hari habang isinusuot ang pilak nitong armor, hawak nito ang espada nyang pinaniniwalaang kayang tumawag ng iba't ibang kalamidad. Nagmadaling umalis ang kawal habang nakayuko, tanda ng respeto.
Humarap ang hari sa kanyang reyna na nakatitig sa kanyang supling. Naisip nyang ito na ang huli nilang pagkikita kaya sinusulit na nya ito.
"Lalaban ako, mahal. Ipagtatanggol ko ang ating anak at ang ating nasasakupan." Sabi nito habang nakatingin pa rin ito sa kanyang anak.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...