M.A 32: Kissperin

6.7K 306 39
                                    

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay mama!" Nagpakawala ng malaking bola ng hangin si Maxxine patungo kay Trea o ang nagpapangap bilang si Yhuri. Sa gulat na rin ni Trea ay hindi niya naiwasan ang atakeng iyon. Tumilapon ito sa malapad na puno kung saan nagtatago sila Fiona. Doon sila natauhan, ang kinakalaban nila ay lubhang may ibubuga na sa pagdating sa kapangyarihan. Dahil narin ayaw nilang madamay sa galit ni Maxxine ay tumakas na sila. Wala na silang pakialam kila Sera at Trea. Mas gugustuhin nilang maging ligtas kaysa iligtas sila.

Hindi pa man sila nakakalahati sa pagtakbo ay natanaw na nila sila Windy na nagmamadaling tumatakbo papunta kung nasaan sila Maxxine. Marahil naramdaman nila ang malakas na presensya ng kapangyarihan ni Maxxine. Hindi sila nagpakita, bagkus ay ikinubli nila ang sarili nila sa malapad na puno upang hindi sila makita. Magpapanggap na lamang silang walang alam sa nangyari kay Maxxine. Susunod na lang sila sakanila upang hindi nila mahalatang galing sila doon. At upang hindi sila maghinalaang sila ng dahilan ng pagiging agresibo ni Maxxine.

Nang makalagpas na ang kasama nila ay lumabas na sila sa malapad na puno.

"Ano na ang gagawin natin? Napakalakas na ni Maxxine." Tanong ni Keith na halang hindi makapaniwala sa lakas ng kapangyarihan ni Maxxine.

"Wala na tayong magagawa, sa ngayon magpanggap na lamang tayong walang alam sa nangyari." Sagot ni Fiona na hindi rin makapaniwala.

"Are we tuloy pa ba the plan?" Tanong ni Jhade na halata ang takot kay Maxxine. Mas malakas pa si Maxxine sakanya, sakanila.

"No. Wala na tayong magagawa, mas lumakas na siya. Tanda niyo bang natalo niya si Fiona gamit lang ang wand niya? Ngayon pa kayang may magix na siyang panlaban sainyo? Madali na lamang niya kayong paliparin gamit ang magi-" Hindi naituloy ni Ayhlee ang sasabihin niya, dahil sakal-sakal na siya ni Fiona na halatang nainis sa panunumbat niya.

"Alam mo ang kaya kong gawin, Ayhlee. Kapag inulit mo pa ang pagkalaban saakin alam mo na ang mangyayari sa tribe niyo. Pasalamat ka at kailangan kita sa grupo, kung hindi baka napatay na kita." Napaubo si Ayhlee nang pakawalan siya ni Fiona. Hindi sinasadya ni Ayhlee ang sinabi niya, nadala lang siya sa sitwasyon. Nagsisi siya sa sinabi niya, nawala sa sarili niyang nakasalalay ang tribe niya sa bawat galaw niya.

"Hindi na natin itutuloy ang plano natin. Tama si Ayhlee na mas lumakas nga si Maxxine, pero hindi naman ibig sabihin non na ititigil na natin ang pambubully sakanya. Ang plano lang ang ititigil natin. Sangayon, sundan na natin sila Yhuri my labs." Tumango sila at bumalik sa kung saan naroon sila Maxxine.

Rosette's Point of View

Matapos naming ikulong ang mga Nigticus Shifters sa bola ng tubig na prinoduce ni Walter ay agad kaming napatakbo kung saan nanggagaling ang malakas na presensyang naramdaman namin. Presenyang napakalakas, kasinlakas ng presensya ni Yhuri. Hindi namin alam kung sino ito, pero may kutob ako.

Pagkarating namin doon, isang magandang babae ang nakatayo roon habang nakalutang sa dalawang palad nito ang bola ng hangin. Hindi ako pweding magkamali, si Maxxine ito. Napakaganda niya. At napakasaya kong lumabas na ang magix niya.

Hindi muna kami nagpakita sakanya sa utos na rin ni Yhuri. Obserbahan daw muna namin kung sino ang kinakalaban niya. Nagulat kami ng ibato niya ang mga bola ng tubig sa isang bulto ng lalaki, nakatalikod ito pero alam naming kung sino ito.

"Paanong... Bakit dalawa ang Yhuri?!" Nagtatakang tanong ni Xandra.

Nawindang kami ng makita na namin ng tuluyan ang lalaki, kawangis na kawangis niya si Yhuri. Ngunit nasa tabi namin ang isa pang Yhuri. Ano ba ang nangyayari?

Nagulat kami ng biglang ibato ni Maxxine ang mga bola ng hangin na nakalutang sa mga palad niya. Hindi ito naiwasan ng kawangis ni Yhuri kaya't tumilapon ito papalayo. Nakatamo ito ng maraming sugat, mas nabigla kami ng nagbato ng maraming bola ng hangin si Maxxine sa direksyon namin. Dahil siguro kay Yhuri na kawangis ng kaaway niya. Nailagan naman namin ito kaagad, ngunit nagpatuloy lamang siya. Patuloy niya kaming inaatake, parang wala siya sa kanyang sarili. Mukhang hindi niya kontrolado ang katawan niya.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon