M.A. 30: Shapeshifters

6.4K 283 15
                                    


Fiona's Point Of View

Nakataas ang isang kilay ko habang naglalakad sa masukal na kagubatan ng Dert Forest, ang gubat na ito ay malapit lang sa Frorea Gardens. Ito rin ang daan patungo sa sunod naming destinasyon.

As usual, kami nila Kate ang nasa hulihan. Nangunguna ang mga mahaharot na babae at sa likod nila ay ang mga labidabs namin which mine is Yhuri.

Nae-excite na talaga ako sa plano ko. Hindi na ako makapaghintay pa. Sa oras na magawa namin ang plano ay masosolo na namin ang mga labidabs namin. Humanda talaga kayong mga mahaharot. Darating na ang tribe princesses upang pabagsakin kayo at putulin ang pagsasaya ninyo.

"Ayhlee, make sure na magawa mo ang ipinapagawa ko sayo. Kung hindi, alam mo na?" Napatawa ako sa naging reaksiyon niya. Namumula siya. Takot na takot talaga siyang mapabagsak ang tribe nila eh. Sinali namin siya sa grupo namin para mas mapalakas ang aming grupo. At kung hindi siya sasali, we will destroy their tribe. Ito rin ang pangblackmail namin sakanya para hindi siya magtaksil saamin, we know na napipilitan lang siya kaya hindi malabong traydorin niya kami.

"Opo" Nakayukong sabi niya habang yakap-yakap ang makapal niyang libro. Ayoko sa mga libro, nakakahilo. Allergic ako sa mga ito.

"Infairness sayo Ayhlee ha, hindi ka na nauutal." Natatawang komento ni Jhade na ikinatawa rin namin. Oo nga eh, dati rati kasi lagi iyang nauutal kapag sumasagot saamin lalo na saakin na kulang nalang eh hindi ko na siya maintindihan. Para siyang maamong daga saami at para naman kaming mababangis na tigre para sakanya.

"Tama na iyan girls, we need to be ready for your step Ayhlee." Hininaan ko lang ang boses ko dahil baka marinig kami nila Yhuri ko. Tumango lang sila na nagsasabing sumasang-ayon sila saakin. Hindi na talaga ako makapaghintay sa gagawin namin plano, humanda kayo mahaharot girls. We will get revenge!

Maxxine's Point Of View

Napakasaya naming lahat lalo na ako dahil sa may hawak na kaming dalawang Gemstones na makakatulong nang malaki saamin.

Medyo matagal-tagal na rin pala ang paglalakbay namin, mag-iisang linggo na rin siguro ang paglalakbay namin. Namimiss ko na nga sila Wanda at Melody eh. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Si mama kaya? Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang yakap at mga halik niya. I also miss her homemade dish, especially adobong manok.

"Anak!" Napatigil ako sa narinig kong boses. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala namang ibang tao rito maliban sa mga kaibigan ko. Kaboses niya si mama, at sa tingin ko ako lang ang nakarinig nang boses na iyon na ipinagtataka ko.

"Anong hinahanap mo?" Nag-tatakang tanong ni Rosette na nasa right side ko, katabi naman niya si Xandra at sa left side ko naman ay si Windy.

"Narinig ko kasi ang boses ni mama. Tinatawag niya ako eh." Nangunot ang mga noo nila.

"Diba nasa mortal world ang mommy mo?" Tumango ako kay Rosette.

"Wala naman kaming narinig ah." Sabi ni Xandra while looking at me.

"Baka guni-guni mo lang" Sabi ni Windy.

"Baka nga." Hindi na kami nagsalita pa at pinagpatuloy na lang ang paglalakad. Pero kung hindi si mama iyon, sino naman iyon at kaboses na kaboses niya si mama? Napapraning na yata ako. Dala lang siguro ito ng sobra kong pagkamiss kay mama.

"Guys, I just want to inform you that we will enter the Nigtic Area where the shapeshipters live. To tell you, mahilig silang gumaya ng mga nakikita nila. They also see kung sino ang gusto mong makita, at kapag nakita nila ang gusto mong makita ay gagayahin nila ito at lolokohin ka. Beware of them, dahil wala pa ang nakakatakas sa laro nila." Bigla kong kinilabutan sa sinabi ni Xenon. Napahinto kami dahil sa lugar na tinatapakan namin. Walang mga puno at kahit anong mga halaman na naririto. Is this Nigtic Area?

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon