M.A. 7: Ancient Spell

9.4K 399 8
                                    

Sabado ngayon at isang linggo na ang nakalipas ng mapunta ako dito sa mundo ng magix. Ang mundong hindi ko kinalakihan at itinuring ko lamang na ito ay hindi totoo na sa imahinasyon lamang ng mga tao ito nag-e-exist.

Hindi ko pinangarap ang mapunta rito ngunit heto ako ngayon sa mundong puno ng mahika na hindi alam ng mga ordinaryong tao.

Kamusta na kaya si Mama, hinahanap nya ba ako? Namimiss ko na sya sana makapunta ako sa Mortal world para bisitahin sya.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko nababangit sa inyo si papa? Si papa kasi ay namatay noong tatlong taong gulang pa lamang ako, naaksidente kasi si papa, ang minamaneho kasi nitong taxi ay nabunggo ng isang dambuhalang truck. Hindi agad napansin ng driver ng truck ang minamaneho ni papa, kaya hindi agad sya nakapagpreno at tuloy-tuloy nitong binabangga ang taxi na nagdulot ng pagkaipit ni papa sa taxi, dahil nayupi ito. Ang driver ng truck ay nakulong ng panghabang buhay sa ginawa nya.

Nakakalungkot lang na hindi ko man nakasama ng matagal ang papa ko at hindi man nya ako nakitang lumaki at grumaduate. Nadagdag pa ang lungkot ko ng mahiwalay ako kay mama ngayon.

Tama na nga yang drama. Hindi ko namalayang bumubuhos na pala ang luha ko. Pinunasan ko ito at pinagmasdan ang paligid.

Nandito ako ngayon sa Training room kung saan nag e-ensayo sina Wanda at Melody. Pinapanood ko lang sila na mag ensayo, sila ay naglalaban gamit ang magix nila para sa paghahanda sa nalalapit na MRT (Magix Rank Test).

Si Wanda ay nagcast ng spell papunta kay Mel. Tumalsik ito ngunit agad rin namang nakabangon. Kumanta ito at ang ganda ng lang boses nya.

Napasinghap ako ng biglang napaluhod si Wanda na parang hirap na hirap. Nang tumigil si Melody ay parang nakahinga ng maluwag si Wanda. Tinukod nya ang kamay nya sa lupa para sa suporta sa pagtayo. Nang tuluyan itong makatayo ay nakita ko ang mga maliliit na sugat sa katawan nya. Nakakawa.

Sadyang napakalakas nila, ngunit bakit parang totohanan na itong ginagawa nila, they can kill each other if they continue fighting. Pero alam ko naman na ensayo lang ito.

Sa nakikita ko ngayon ay pagod na pagod na sila. Isang oras ba namang maglaban. Lumapit sila sa akin na humihingal, inabutan ko naman sila ng inumin.

"Hayy! Kapagod naman. Ito kasing babaeng to sineseryoso ang laban." Tinuro pa ni Melody si Wanda na kakatapos rin uminom ng tubig.

"Anong ako?! Ikaw nga dyan e, balak mo yata akong patayin kanina eh."

"Hep! Hep! Tama na yan okay. Just rest" pumagitna na ko sakanila para mas better ang pagtutol ko sa dalawa, mukhang magkakaround two pa ang labanan e. Tumango lang sila at umupo sa magkabilang upuan.

Kami lang ang nandito ngayon sa training room, hindi pa kasi nageensayo ang ibang magixians eh, o baka naman nageensayo sila sa ibang lugar para wlang distracting.

Dahil wala namang tao rito ay medyo maraming space. Napagdesisyunan ko namang magensayo, hindi naman pweding sila Melody lang.

Tumayo ako at pumunta sa gitna nitong training room. Umupo ako at kinuha ang spell book at wand ko sa bag, lagi ko kasing dala ito.

Nagbabasa muna ako ng ilang mga spells at kinabisa ang ibang spell na magagamit ko sa Magix Rank Test. Dahil meron na akong nakabisado ay tumayo na ako at pinuwesto ang sarili sa tamang posisyon sa pagcast ng spell, ito ang itinuro ni Professor Wandalyn saamin. Ang paa kaliwa kong paa ay nasa harapan ko habang ang kaliwa ay nasa likod ko. Nakabend ng kaunti ang kamay ko katapat ng tuhod ko. I think I can cast spell now.

"Quatrix Icebellum" After I cast this spell, suddenly a cold fog appear in my wand. Umuusok lang ito, but a couple of seconds. An ice with a shape of spike came out and it flew towards a wall.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon