Dedicated to ate @purpleyhan, idol ko kasi siya eh. Hindi ako agad nakapag-update kasi binasa ko ulit yung Tantei High niya. At gaya ng dati, na hooked na naman ako. Ang galing talaga ni ate purpleyhan. Hope I can meet you, po. :) ;)
*
“Magandang umaga, mga mahikians. Handa na ba kayo sa pagtatanghal? Handa niyo na bang ipakita ang natatagong kakayahan ng mga sandatang nakatadhana sainyo?” Magiliw na saad ni Professor Wandalyn sa mga estudyante niya.
“Opo!” Magiliw na saad ng lahat. Napangiti si Professor Wandalyn sa nakikita, kitang-kita sa mukha ng mga estudyante niya ang determinasyon at pagkalagalak na matutunan ang paggamit sa kanilang mga sandata.
“Kung ganon, simulan na natin ang pagtatanghal. Umpisahan mo iyan, Gwen!” Nagpalakpakan ang lahat ng tumayo ang isang magandang binibini, dala-dala ang hawak nitong espadang nababalutan ng mga halaman at bulaklak. Napakaganda nito, bumagay sa berdeng damit pakikidigmang suot ni Gwen. Nakangiting humarap si Gwen sa lahat, nakahawak ang dalawa nitong kamay sa Floree Sword na nakatadhana sakanya.
Nagulat ang lahat ng makita ang isang paparating na taong gawa sa metal at teknolohiya. Sa madaling salita, ito ay isang robotic magixian.
“Nagulat ba namin kayo? Halata nga, haha. Iyan nga pala si Kera, isang robotic magixian'g likha ng dakilang si Professor Mike. Pinahiram niya ang mahigit isang daang robotic magixians sa iba't ibang silid-aralan upang makalaban ninyo at malaman natin ang mga marka niyo. Salamat talaga sa mga gawa niya. Ngayon simulan mo na ang pakikipaglaban kay Kera.” May pinindot na kagamitan si Professor Wandalyn na nagpaggalaw at nagpa-agresibo kay Kera.
Sa tulong ng mahika ni Gwen na maging mabilis, nagagawa niyang maiwasan ang sunod-sunod na atake ni Kera. Sa hangin lamang tumatama ang mga suntok ni Kera, samantalang kanina pa siya nadadaplisan ng makamandag na lasong tinataglay ng mga halamang nakapulupot sa Floree Sword ni Gwen. Gamit ang espada ni Gwen, hinampas niya ang hangin na nakatapat kay Kera. Mula sa kanyang espada, lumipad patungo kay Kera ang matutulis na tululot ng mga bulaklak na nakapalamuti sa espada ni Gwen. Sa talim ng bulaklak, nagawa nitong madaplisan si Kera. Ang ibang talulot ay bumaon lamang sa katawang bakal ni Kera. Napangisi si Gwen sa nakikita, may kumpyansa siyang siya ang magwawagi sa labanan na ito. Upang matapos, itinaas niya ang espada sa ere, at pabagsak na hinampas ito sa hanging nakatapat na naman kay Kera. Mula sa espada, isang baging ang kumawala doon at nagtungo kay Kera. Walang nagawa si Kera dahil napupulupot siya ng mga baging na punong-puno ng tinik na may lason. Bumaon ang mga tinik at isinalin ang lason sa katawan nito. Unti-unti napaluhod ang katawan ni Kera, kumalat kasi ang lason na iyon sa mga kable ng kuryenteng nakapaloob sakanya na naging dahilan ng pagkasira nito. May ilang pagkislap ng kuryente ang nasaksihan kay Kera, napaubo na lamang ang lahat ng sumabog ito at nagdulot ng makapal na usok. Grabe ang naging pinsala nito, nakakamangha.
“Magaling ang ipinakita mo, Gwen. Ang kakayahan ng espada mo ay ibang-iba at napakalakas, kaya't ikaw ay nakakuha ng ika-dalawampu't siyam na marka. Binabati kita, tunay ngang malalakas ang nagagawa ng mga sandatang nilikha ni Professor Mike.” Natutuwa't nagagalak na saad ni Professor Wandalyn na ikinagiti ni Gwen. Palakpak ang ginawad ng mga kaklase niya sa sobrang tuwa at pagkamangha, sinuklian niya lamang ito ng matamis na ngiti na ikinangiti rin nila.
“Ano nga ba ang nagagawa ng sandata ni Wanda? Ating tunghayan!” Nakangiting tumayo si Wanda mula sa kinauupuan nito. Nakatanggap ito ng malakas na palakpakan mula sa mga kaibigan bago makarating sa mismong pagtatanghalan.
GOOD LUCK, WANDA!
Isang tarpaulin ang nakapagpangiti ng abot tenga kay Wanda, mula kay Melody. Napakalambing at napakatamis nitong kaibigan. Ginanahan tuloy itong ipakita ang natatagong kakayhan ng Windix Wand nito.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...