“Bitawan mo siya, Gruta. Binabalaan kita.”
Muli akong kinilabutan ng tumawang muli ang lalaking bumihag sa akin. Nakakapanindik-balahibo ang kaniyang napakalalim na boses. Kung hindi lamang nakapulupot ang kaniyang braso sa aking leeg at kung hindi lamang paralisado ang katawan ko'y siguradong kanina pa ako natumba dahil sa pangangatog ng tuhod ko. Bigla akong napadasal sa pagbabakasakaling tulungan ako ng Diyos sa nangyayari sa akin!
“Huwag kang magmadali, Dezo. Makukuha niyo rin naman ang katawan niya. Wala na nga lang buhay.”
Lumandas sa pisngi ko ang mainit kong mga luha dahil sa narinig ko. Is he going to kill me?! Of course, Maxxine! He's heartless! Pero, ayoko pang mamatay! Gusto ko pang makilala ang tatay ko! Gusto ko pang malaman ang tungkol sa buhay ko! Please, I still want to live this life!
“Walanghiya ka! Huwag mo siyang sasaktan kung ayaw mong gilitan kita ng leeg!” sigaw ni Xandra na seryosong-seryoso ngayon. Bakas na bakas sa mukha niya ang pinaghalong pag-aalala at galit.
Halos lahat sila'y hindi makalapit kung nasaan man kami ngayon nitong bumihag sa akin dahil sa takot na mapatay ako nito! Halata sa mga mata nila ang awa at pag-aalala sa akin. Kahit ako'y naawa sa sarili ko ngunit mas nangingibabaw sa akin ang takot! Ayoko pang mamatay! Marami pa akong pangarap! Please, someone, help me!
Napapikit ako nang mariin nang may kung ano ang humiwa sa balat ko! Ramdam ko ang lamig noong bagay na 'yon at ang talim nito! Dumaing ako nang kumirot ito. Ang sakit!
Gustuhin ko mang tumili'y hindi ko magawa dahil sa kapangyarihang bumabalot sa akin! Para akong sinisilaban habang nararamdaman ko ang hapdi noong sugat ko! Ang sakit! Para iyong sinusunog!
“Huminahon ka, Yhuri!” rinig kong sigaw ni Xenon. Nakita ko ang pagpupumiglas ni Blaze sa mga kamay nina Walter at Xenon upang lumapit sa akin. Napakadilim ng mukha nito. Nagngingit-ngit ang ngipin nito! Hindi ko maiwasang matakot din sa kaniya!
“Bitawan ninyo ako! I'll kill him!” sigaw ni Blaze saka pwersahang itinulak sina Walter at Xenon. Tumumba silang dalawa sa lupa. Sa nangyari'y nagkaroon ng pagkakataon si Blaze upang makatakas sa kanila.
Tila ba isang segundo lamang ang lumipas nang may kung anong humila sa aking braso, kinulong ako sa mga bisig nito. Nakaramdam ako nang kaginhawaan sa mga bisig niya. Pakiramdam ko'y ligtas ako sa kaniyang piling.
Mahigpit akong napayakap kay Blaze nang tumalon siya taliwas kay Gruta na tinapunan niya ng mga bola ng apoy. Pikit mata akong nanalangin na sana'y maging maayos na ang lahat. Hindi ko na kaya. Ayoko ng gulo!
Sunod-sunod na pagsabog ang narinig ko. Nakakabingi. Nakakatakot! Hindi ko makayanan ang mga nangyayari.
Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Blaze dahil sa takot na namumutawi sa puso ko.
“You're safe now, Xine. I won't let him hurt you again.” Napatingala ako sa mukha niya. Bumungad sa akin ang kaniyang malambot na ekspresiyon ngunit kitang-kita sa mata nito ang pag-aalala at galit.
“P-please, keep me in your arms. Ayoko pang mamatay...” nakita ko ang sakit na bumalot kay Blaze nang lumandas muli sa aking pisngi ang mga luhang dulot ng aking takot. Pumikit siya ng mariin saka inilapit ang ulo nito sa akin. Kaginhawaan ang naramdaman ko nang lumapat ang kaniyang labi sa aking noo.
“I won't let anyone hurt you again, Xine. I assure you, so please, stop crying. It's too painful for me...” halos hindi ko marinig ang kaniyang sinabi dahil sa sunod-sunod na pagsabog na nangyari. Nagulat na lamang ako nang hinatak ni Blaze ang braso ko. Ikinubli niya ako sa kaniyang likod.
“Napakarami nila!” narinig ko ang naiiritang tinig ni Windy. Napatingin ako sa paligid. Mula sa kinatatayuan namin ni Blaze, iang metro ang layo mula sa paanan ng Volcunus Spring kung saan nagaganap ang paglalabanan ng mga naka-itim na mga nilalang laban sa mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...