Matapos ang batian sa dalawang naunang kalahok ay tumungo muli ang emcee sa gilid ng stage kung saan naroon ang mga listahan ng magkakalaban.
“The next battle is between… Walter and…… Windy!” Pasigaw ngunit nagagalak na tugon ng emcee.
Nagkatinginan muna sina Walter at Windy bago bumaba sa stage.
Ngiting-ngiti si Walter habang bumababa kaya naman hindi magkamayaw ang mga estudyante kung hindi kiligin at tumili sa pangalan niya. Nakasimangot naman si Windy.
“Wahhh! Go go baby walter ko.”
“Go bebe Walter ko, marry me after tha!!”
“Go windy, kaya mo yan.”
“Go, go Wandy kaya nyo iyan. I love you both.”
Tila napantig ang tenga ni Windy sa narinig niya sa babaeng may pulang buhok. ‘Wandy? Ano iyon?’ Sa isip-isip niya.
Ngunit, hindi na niya iyon pinansin bagkus ay itinuloy nito ang paglalakad pababa patungong stage.
“Good luck saatin!” Ngiting-ngiting sabi ni Walter. Inirapan niya lang ito.
“Let the battle begins!”
Hindi nagpatumpik-tumpik pa si Windy, gumawa ito nang isang ipo-ipo sa mabilis na paraan, ibinato niya ito kay Walter. Ngunit, bago pa ito tumama kay Walter ay nagawa na nitong tumalon taliwas sa ipo-ipo. Nagtuloy-tuloy lang ang ipo-ipo sa barrier hanggang sa mawala ito. Nainis si Windy dahil hindi niya nagawang matamaan si Walter.
Pagkababa ni Walter ay kinumpas nito ang kamay niya patungo kay Windy kasabay ng napakaraming patusok na tubig, patungo itong lahat kay Windy. Inibuka niya ang kamay niya na parang may aakapin, doon unti-unti ang mga hangin ay nabuo, nang malapit na ang mga tubig na patusok ay itinulak ni Windy ang hanging ginawa niya. Dahil sa pwersa nang hangin, ang tubig ay nawala sa pagiging patusok, at nabuhos na lang ito sa stage.
“Ang daya mo!” Sigaw ni Walter na nasa kabilang banda ng stage.
“Anong madaya? Magaling lang talaga ako!” Inilahad ni Windy ang dalawang palad at ipinagtabi ito, pinorma niya ang mga palad niya na parang may hawak na bola. Doon unti-unting nabuo ang mga maliit na hangin, hanggang sa ito ay lumaki.
“U-uy, a-ano iyan, ha?!” Nagpanic si Walter. Hindi alam ang gagawin, hindi kasi nito sineseryo ang laban nila. Sa isip niya ay hindi pweding saktan ang mga kababaihan. Dapat daw ay minamahal sila. Sweet niya noh?
“Ito ba? Heto, tikman mo!” Sabay bato ni Windy sa ginawa nitong giant air ball. Bago pa tamaan si Walter, isang pakpak na gawa sa tubig ang lumitaw sa likod ni Walter. Napakaganda nito, ang tubig ay kumikintab. Ito ang tumulong sakanya sa pag-iwas sa ginawang air ball ni Windy.
“Grabe ka naman!”
“Manahimik ka nga! Lumaban ka na lang!” Sa inis ni Windy ay pinagbabato niya si Walter nang air balls, ngunit nagawa lang itong iwasan ni Walter dahil sa liksi nitong lumipad.
Nakaisip nang paraan si Windy. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere, finocus niya ang sarili sa hanging pinalilibutan nila. Sa pagkumpas niya sa kaliwang kamay ay ang pagsunod sakanya ng hangin, nmaging si Walter na humahampas sa ere.
“Haha!” At inulit nito ang paghampas niya sa hangin, nagmistulang bola si Walter sa ere na palipat-lipat ng direksiyon.
“A-ano ba W-windy, nahihilo na ako!” Itinuloy niya lang ang ginagawa niya, natutuwa si Windy sa reaksiyon ni Walter na parang masusuka any moment.
Nag-isip nang paraan si Walter para makatakas sa hangin ni Windy. Ilang sandali ay ipinikit ni Walter ang mga mata niya, habang nakatapat ang mga palad niya sa lupa.
“Ano namang balak nito?” bulong ni Windy. Mula sa kamay ni Walter ay may bumuhus na tubig, nagmistulang gripo ang kamay niya sa pag-agos ng tubig mula sa palad nito. Nagkaroon nang hugis ang tubig na pinalabas niya, at ito ay ahas. Ahas na kulay asul, may berdeng mata, at ito ay malaki. Kasinlaki siguro nito ang dalawang tao kapag nakahiga. Minulat ni Walter ang mata niya sabay ngisi.
“Snakie, atakihin mo siya.” Tumango ang ahas na para bang naiintindihan niya ang iniutos ni Walter, ibinuka nito ang bibig niya. Mula roon, berdeng tubig ang lumabas, at papunta ito sa direksiyon ni Windy.
“Shit!” Napadaing siya ng madaplisan siya sa kanag balikat, nagtatalon ito paatras para maiwasan ang mga patuloy na atake ni Snakie. Nabitawan na rin niya si Walter na ipinagwalang bisa na ang pakpak.
“Aegiel, lumabas ka” Nakakabinging tunog nang agila ang narinig nang lahat, sa ibabaw ng stadium ay matatanaw ang bumubulusok na agila. Dumiretso ito sa harap ni Windy, ibinuka nito ang magkabila nitong pakpak, malapit na ang mga berdeng tubig nang ipagaspas ni Aegiel ang pakpak niya, parang binagyo ang kinatatayuan ni Walter sa tindi nang hanging ipinamalas ni Aegiel.
“Salamat, Aegiel” Sabi ni Windy habang hawak ang kanang balikat na may roong sugat. Napatingin siya kay Walter na tumama sa barrier, dulot siguro ng matinding hangin. Kitang-kita sa damit nito ang mga hiwa, ang mga daplis nito sa katawan. Lubhang malakas ang pinakawalang hangin ni Aegiel.
Napayuko si Windy nang may bumubulusok na espada ng tubig ang papunta sakanya. Muntikan na iyon. Nakita niya si Walter na may hawak na espada, espadang gawa sa tubig, ngunit hindi nabubuhos. Ipinorma ni Windy ang kamay niya na parang may hawak na espada, mula roon unti-unting namuo ang espadang ginawa niya sa tulong nang hangin at buhangin.
Tumakbo sila sa isa’t isa na parang walang iniindang sakit sa katawan. “Yah!” Sa bawat hampas na pinapakawalan ni Walter ay nasasalag lang ni Windy. Ipapatama sana ni Windy ang espada nya sa binti ni Walter nang masalag ito ni Walter. Habang ganoon ang puwesto nang espada nila ay itinaas ni Windy ang isang kamay niya at nagpalabas ng air ball, ipinatama niya ito sa tiyan ni Walter. Huli na nang maiwasan niya ito. Tumalsik ito kasabay ng espada niya, habang hawak-hawak ang tiyan.
“Sorry” Sabi ni Windy. “It’s okay, it is just a normal fight. Don’t worry.” Tumango lang si Windy. Pinigilan na niya ang agila niyang kumakalaban sa ahas ni Walter.
“So..., I think the battle is over.” Pag-anounce ng emcee. Lumapit kila Windy ang mga HelixRescuer upang alalayan sila papunta sa nakaabanteng pagamutan. Nagflashed sa malaking screen ang nakuhang marka nina Windy. Doon, nakalagay na si Windy ay may lebel na labindalawampu’t lima (25) at may siyam (9) na ranggo habang labindalawampu’t apat (24) naman ang lebel ni Walter at may ranggong ika-sampu (10).
Doon, nalaman na si Windy ay mas malakas kasya kay Walter.
Nagpalakpakan ang lahat sa magandang laban na ipinakita nang dalawa.
###
Walter + Windy = Wandy!
#LCwandy.
#loxxycutie
#MagixxAcademy
#LCyhuxineForevsTweet, tweet na!
Tweet me ⇨ @aljonrubinos31
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...