M.A. 40: Celebration [Part 1]

6.8K 260 45
                                    

Napahiyaw na naman kami dahil sa malakas na pagsabog sa bukana ng academy. Hindi pa rin sumusuko ang mga Darkieters na pasukin ang academya, sila ay pursigidong masakop ito kahit pa hindi sila makapasok dahil sa patuloy na pagpapatibay sa barrier ng mga guro. Kaming mga estudyante ay lubha nang nag-aalala para sa kaligtasan namin. Life and death ang sitwasyon naming lahat. Nais man naming makatulong ay hindi namin magawa dahil hindi pa kami ganoon kalakas. Hindi namin kaya ang mga Darkieters na masasabing malakas na ngayon.

"Wahhh!!!" Napahiyaw kami pareho ni Melody sa naganap na namang pagsabog. Ilang araw narin ganito ang nangyayari sa academy, halos hindi kami makatulog dahil sa pagpapasabog ng mga Darkieters sa barrier. Hindi nila ito masira-sira dahil tumutulong na rin ang ibang mga estudyante upang mapanatili ang katibayan nito. Halos lahat ng estudyante ay nakapalibot na sa buong academya, kahit hindi kami ganoon kalakas ay pinayagan kami ni Headmistress na makatulong. Mas marami, mas malakas.

Narito kami sa dorm dahil kami ay pansamantala munang nagpahinga, halos magdamag na kaming tumutulong doon. Mabilis kaming kumain upang manumbalik ang enerhiya at lakas na nawala saamin.

"Tara na, Mel." Sigaw ko kay Melody na kakatapos rin kumain. Mamaya na namin huhugasan ang mga pinagkainan, mas mahalaga ang buhay namin.

Pagkalabas namin sa dorm ay kitang-kita ko kung paano magpasabog ang mga Darkieters ng kanilang magix sa iba't ibang parte ng academy. For pete's sake nakapasok na sila!

"Papaano?" Naibulong ko na lamang. Humigpit ang hawak ko sa wand na hawak ko. Hindi ito maaari.

"Bombarda!" Pagcast ko ng spell sa grupo ng Darkieters na pinapasabog ang mga emprastraktura ng academya. Wala na, sira na ang barrier. Nakapasok na sila.

"Wanda, makikipaglaban muna ako roon." Tumango ako kay Melody na tumungo sa mga kalaban. Ako rin ay dumako sa mga kalaban. Kailangan maligtas ang academya. Kung hindi, kami ang masasaktan at mamamatay!

Treatara's Point Of View.

Sa wakas, napasok na rin ng kampon ni ina ang academyang pinapasukan ko. Magaling! Ngunit hindi pa ito ang tamang oras upang ibunyag ang tunay kong katauhan. Kailangan ko pang magmasid at maging espiya.

Nagpaalam muna ako sa aking uto-utong kaibigan. Kailangan kong makipagkita kay Darkius. Nang tumango ito ay agad akong dumako sa likod ng paaralan. Walang mga estudyante rito dahil lahat sila ay abalang nakikipaglaban. Sige lang, magpatayan kayo!

Bago ako makipagkita kay Darkius ay ibinalik ko na ang dating wangis ko. Ibinalik ko ang kulay itim ngunit may highlights na violet kong buhok, ito ay dating kulay kahel, iginaya ko ito sa kapangyarihan kong musika upang hindi nila ako pagsuspetsiyahan. Pinalitan ko rin ang aking damit, ito ay naging itim na bistida na nagpapakita sa hubog ng katawaan ko, suot ko rin ang itim kong six inch heels.

"Treatara, mabuti naman at dumating ka. Alam mo bng pagod na pagod na ang iyong ina kakahintay ng impormasyon tungkol sa paaralan ninyo?" Walang emosyon ko siyang tinitigan gamit ang nakakahipnotismo kong kulay itim na mata.

"Hindi niyo rin ba alam na pagod na pagod na akong magpanggap sa mabahong paaralan na ito? Pagod na akong makisalamuha sakanila, gusto ko ng makakita ulit ng dugo." Naiinis kong turan na ikinangisi niya.

"Huwag kang mag-aalala Treatara. Malapit ka naring umalis sa paaralan na ito, dahil sa oras na mapatay na namin ang lahat ng mga estudyante rito ay hindi mo na kailangan pang magpanggap bilang Me--."

"Ano pala ang pakay mo't pinapunta mo ako rito? Baka magtaka ang uto-utong kaibigan ko kuno." Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Pinapasabi ng iyong ina na sa oras na makarating na ang mga mahaharlika rito dala-dala ang mga Gemstones ay kinakailangan mo agad itong makuha upang lalo tayong maging malakas at makapangyarihan." Anito habang nakangisi na parang demonyo. Well, demonyo nga talaga siya.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon