Chapter 48: Bihag

1.7K 56 4
                                    

“Mga lapastangan!”

Nakakabinging sigaw ni Captain Dezo ang pumuksa sa malakas na mga pagsabog. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ng sigaw niya, ngunit nang makita ko ang tungkod niyang nagliliwanag ay batid kong mula iyon sa kapangyarihan nito.

Nasa unahan si Captain Dezo at sumunod sa kaniya ang hanay ng mga kalalakihan. Walang akong alam sa nangyayari. Hindi ko alam kung sino o ano ang mga nilalang na gumawa nito. At kung bakit nila ginugulo ang tahanan ng mga dragon. Gustuhin ko mang itanong ang mga ito'y natatakot ako't baka ako ang mapuntirya ng mga nilalang na may gawa ng mga pagsabog.

Napalinga ako sa kabuuang lugar. Hindi ko inaasahan ganito ang masasaksihan ko; puno ng kulay pilak na likido sa sahig na batid kong dugo base na sa amo'y nitong napakalansa. Bumungad din kaagad sa amin pagkapasok pa lamang namin dito ang itim na usok na malayang lumulutang sa paligid. Nagpapasalamat ako kay Windy dahil sa binuo niyang pananggalang para sa amin laban sa mga usok, dahil tila ba nakasusulasok ang amoy nito't nakamamatay kapag nalanghap namin.

Halos mapatili ako nang may kulay itim na bagay ang tumama sa panggalang na binuo ni Windy! Muntikan pa akong natumba sa lakas ng pwersa na iyon, mabuti na lamang at nahawakan nina Rosette at Skyieana ang braso ko.

“Ayos ka lang?” tanong ni Rosette. Tumango ako sa kaniya't nagpasalamat. Ngumiti na lamang siya sa akin, hindi na inalis ang kaniyang hawak sa braso ko. Si Skyieana nama'y humawak sa braso isang braso ko. Bale pinagigitnaan nila ako.

“Narito na pala ang maalamat na tagapangalaga, huh?” Halos manginig ako sa narinig kong boses. Napakalalim nito na tila ba nasa hukay ang nagmamay-ari sa boses na iyon. Ngunit, hindi iyon ang ikinanginginig ko. Nakakatakot ang boses nito. Punong-puno ng galit at kasakiman. Tila ba patalim ang kaniyang boses na tumatama sa aking puso't pinapatay ako!

“Lumabas ka na, Gruta! Huwag mong hinataying ako ang gumawa ng aksiyon, dahil sinasabi ko sa 'yong pagsisisihan mo kung nagkataon!” Biglang natawa ang nagmamay-ari ng boses kanina. Ngunit, tumatawa ma'y ramdam pa rin sa boses nito ang galit! Masasabi kong nag-uumapaw sa galit ang taong ito!

“Matatakot na ba ako sa iyong banta, Dezo? Hindi mo na ako matatalo tulad noon! Mas malakas na ako sa 'yo!”

Ngayon nama'y si Captain Dezo ang natawa. Ngunit, gaya noong lalaki'y hindi iyon dahil sa tuwa. Ang tawa ni Captain Dezo'y puno ng pang-iisulto't pagka-awa!

“Ikaw na rin ang nagsabi, Gruta. Natalo na kita noon, ngayon pa kaya?” nang-iinsultong pahayag niya na naging dahilan ng muling bagay na tumama sa panggalang namin. Hindi namin batid kung saan nagmumula ang itinitira sa amin, pati na rin kung sino man ang tumitira.

Sa gulat ko sa lakas ng pwersa'y hindi ko na naiwasang mapatili. Napatingin sila sa akin. Lalo na si Blaze na mahahalata sa kaniyang mga mata ang pag-aalala at pagka-inis. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko nakakayanan ang mga mata niya. Para bang binabasa niya ang buong pagkatao ko!

“Kaya naman pala matapang ang matandang Dezo'y dahil may kasama siya. Kaawa-awang Dezo...” insulto nito kay Captain Dezo. Napatingin ako kay Captain Dezo at nakita ko ang paghawak niya ng mahigpit sa tungkod na dala niya. Tila ba nainsulto talaga ito.

“Batid mo sigurong matatalo kita kaya't nagtawag ka ng mga kakampi mong panigurado'y wala ring laban sa akin!” tumawa itong muli ng nanaka-insulto.

“Aba't ang kapal naman ng mukha mo, ah! Hoy, manong na parang nasa hukay, kailanma'y hindi mo matatalo ang isang gaya ko! Kapal mo! One on one tayo, oh! Ka-diyosahan ko pa ang ininsulto mo!” sigaw ni Xandra na nagpatawa sa amin. Hindi ko talaga makayanan ang tapang at lakas ng kumpiyansya niya sa sarili. May porma pa itong pataas-taas ng kaniyang manggas na tila ba naghahamon ng suntukan. Medyo nabawasan din ang tensyon sa pagitan namin dahil sa ginawa ni Xandra.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon