Xenon's POINT OF VIEW
Hello! I'm Xenon Ice Frostrer who possess the Ice Magix and soon to be leader of Snow Tribe.
Kung ugali ang tinatanong nyo. Isa akong magixian na masayahin, maalalahanin, mabait, at cute! Wahaha. Totoo yang sinasabi ko tanong mo pa sa mga kasama ko.
Heto ako ngayon nakikipag kwentuhan sa mga friends ko. Sino kaya makakalaban ko? Kanina pa ako exited eh! Gusto ko nang makita yung mga maloko kong mga kaibagan na nasa HealixHouse na pachill chill lang. Buti pa sila nakakapagpahinga na, hindi ko naman makausap tong isa kong kaibigan na napaka cold at hindi palakibo. Kilala nyo naman kung sino diba? Haayyy! Nanonood lang ako pero nakita kong papunta na ng HealixHouse yung naglaban. Sa kakakwento ko, hindi ko namalayan na tapos na pala sila. Sino kaya susunod?
Nagtawag naman ang MC at tinawag kaming dalawa ni Yhuri. So, sya ang makakalaban ko. Mukhang mapapasabak ako neto. Pumunta ako sa battle ground at syempre maraming nagtilian at sinisigaw mga pangalan namin. Pero hindi ko na pinansin mga yon. I don't want attention. Pagkababa ko doon nagsimula ng gumawa ng matibay na barrier ang mga guro, sila ay nagtulong tulong marahil alam na nila ang kahihinatnan nitong laban namin. Nagbilang narin ang MC at nagsimula na nga ang laban.
Ako ang unang umatake. Nagpalabas ako ng napakaraming Ice spikes. Pero madali nya lang iyon naiiwasan. Sunod syang tumira ng isang napakalaking Fire ball. Hindi ito basta basta dahil kung matamaan ka nito siguradong abo kanalang. Ipinalabas ko ang bluish white kong pakpak na gawa sa yelo. Lumipad ako upang iwasan ito at nagpalabas ng ice swords. Hindi lang ito isa kundi madami, madami talaga itinira ko ito sakanya at nagpalabas pa ito ng barrier pero haha unti unti itong nabasag. Bago ito nabasag nagpalabas rin sya ng pakpak na lumiliyab sa kulay na pula. Gaya gaya ang kuya nyo!
Sabay kaming nagpalabas ng espada. Ang kanya ay isang nagliliyab na espada kung saan kapag nadaplisan ka lang nito ay magkaka fourth degree burn. Ang tindi noh? Ganyan talaga pag malakas. Ang akin naman ay magkapares na espada na katamtaman lang ang laki na kung saan nababalutan ng yelo sa pagdaplis nito sayo ika'y maninigas sa taglay nitong lamig at magyeyelo. Nagsangga lang ang mga espada namin. Sa pagsangga ng mga espada namin may makikita kang usok na galing sa apoy at yelo na nagsama. Hindi ako nagpaawat at nadaplisan ko sya sa may braso pero hindi ito nanigas dahil nga malakas sya. Hinawakan nya ito at matalim na tumingin saakin. Mabilis nya akong nadaplisan sa aking kabilang braso, napakasakit nito at napakainit na akala mo'y nasa impyerno ka. Binalutan ko ito ng yelo para mawala ang kirot.
Bumaba ako at nagconcentrate para sa gagawin kong napakalakas na ice spell.
Unti unti ko nang nararamdaman ang enerhiya nito kaya binigkas ko na ang spell na aking pakay."SNOW BLIZZARD" sigaw ko.
Nagkagulo naman ang mga guro dahil sa ginawa kong spell. Isa itong spell na kayang magpaulan ng snow sa buong open area. Pwedi kanitong gawing yelo. Isa itong bagyo na yelo. At alam kong ito ang kahinaan ni yhuri dahil hindi tatalab ang apoy nyang magix sa ice magix ko kapag marami ang nababalutan nito.
Bumagsak ito dahil narin sa pagulan ng nyebe at matinding lamig. Pagkakataon ko na ito nagpalabas ako ng ice ball a huge one at ibinato ito sa kanya. Malapit na sana itong matamaan pero bigla na lamang itong nagpalabas ng Fire Phoenix na binugahan lamang ang akin magix. Tss. Pinalabas ko rin ang aking pet guardian isa itong ice wolf, hindi basta basta dahil isa syang shapeshifter kung saan kayang nyang gumaya ng anyo pero sa kasamaang palad mga pet guardian lang ang kaya nyang gayahin at hindi rin nya magaya ang kanilang magix.
Ginaya nya naman ang pet guardian ni Windy, ang kanyang air eagle. Namangha ang mga manonood. Pinasugod ko ito sa Fire phoenix ni Yhuri at sila'y naglaban. Binigyan ko nang pansin si Yhuri na mukhang nagcoconcentrate para gumawa rin ng spells, pero hindi ko sya hahayaan.
Pinagbabato ko sya ng Ice Spikes pero humarang lang ang fire phoenix nya nagbuga ng apoy kaya nalusaw ang mga spikes ko. Mapapansin mo rin na marami na itong natamong sugat. Lumapit naman ang pet guardian ko at kinalaban muli ang fire phoenix.
"FIRE LAVA!"
Pag-cast nyang spells, gumawa agad ako ng barrier dahil siguradong matutunaw ako neto. Dahil sa spell nyang iyon nalusaw lamang ang ginawa kong snow blizzard at napalitan ng kumukulong lava. Mabuti nalamang at nakalipad akong maaga. Nasa tabi ko ngayon ang pet guardian ko at ito'y aking pinaglaho dahil ito'y napagod sa laban nya. Pinaglaho narin ni Yhuri ang kanyang pet guardian, ito'y nakatungtung sa bato na nakalutang sa lava marahil hindi ito naiinitan dahil ito ang kanyang magix pero ako ngayon ay init na init na. Nagpalabas ako ng snow flake at binalot ang barrier bilang parang aircon narin. Ang init kaya?
Pinagalaw nya ang lava at gumawa ng LAVA BALL. Ala! Sinabayan ko ito kahit hirap na hirap na ako sa tinding init dito. Gumawa ako ng napakalaking Ice ball, ito'y kasinlaki ng kay Yhuri. Sabay namin itong binato pero bago ito nagbungguan ito'y tumigil sa ere. Nakalutang ngayon ang ginawa naming magix.
"TAMA NA 'YAN!"
Sigaw ng Headmaster na tita ni Maxx. Bakit kaya nya kami pinatigil? We're not done yet. Pinaglaho na namin ang mga magix namin at ang kumukulong lava kanina ay napalitan na nang battle ground at makikita mong sira sira ito at napasulyap ako sa barrier ng BG (Battle Ground) malapit na itong mabasag. Hehe. Kaya pala nya kami pinatigil.
"Hindi nyo ba alam na hirap na hirap na ang inyong guro at mga Barrier Makers sa kakaayos ng ginawa ninyo. Halos magpatayan na kayo! Huwag na ninyo itong uulitin. Maliwanag!"pahabol pa nito. Napatango lang kami ni Yhuri. Inayos na din nila ang BG at ang barrier. Tumingala ako at nakita ko ang aming lebel at rank.
Ang nakuha ko ay lebel na 30 at rank na 2. Hindi padin nagbabago. Ang kay Yhuri ay lebel na 33 at rank na 1. Ano pa bang aasahan? Sya na magaling! Haha. Joke!Dinala na kami ng HealixRescuer sa HealixHouse. Makikita ko narin ang mga kaibigan kong loko-loko.
Ginamot na kami ni Lady Jealle. Remember her? Sya ang nanggamot kay Maxx noong unang pasok nya rito. Speaking of her, kamusta na kaya si Maxx? Hindi na namin sya nakita simula ng gawin namin ang misyon namin. Yung misyon ay ang maghanap ng mga magixian sa mundo ng mortal. Pero, pinaubaya na iyon ng HM sa iba dahil nga may gagampanin pa kaming importanteng misyon att itoy sa susunod na linggo na. Miss ko nga si Maxx 'e. Yung kakulitan nya, kabaitan at mabuting asal nya.
Nandito na nga ako sa HealixHouse pero hindi ko naman makausap kasama ko. Kung bakit? Ayun tulog lahat, as in lahat sila. Napagod siguro. Ako nga rin eh. Pagod na pagod na ako.
"The next fighter is Sheila and ... MAXX" narinig ko pang sigaw ng MC. Whatt, makakalaban ni Maxx si Sheila? Malaking trouble to. Napagising rin mga kasama ko sa pagkarinig nila ng pangalan ni Maxx. Pati nga rin si Yhuri na kanikanilang natulog gising agad. Hayyy! Iba talaga epekto ni Maxx saamin.
"Tara! Kaylangan natin mapanood ang laban nila" pagyaya ni Walter. Nauna itong lumabas at sumunod na kaming lahat sa kanya. Yess! Kasama si Yhuri. Pumunta kami sa BG at nakita naming lupasay na sila.Joke.
Nagbibilang palang naman ang MC. And sinabi na nya ang famous line nya, ano pa ba edi "Let the battle begins" yon lang naman sinasabi nya magmula kanina. Nagsimula na nga ang laban.♥♥♥
PABITIN MUNA. PLEASE DO.
VOTE★
COMMENT♥
AND SPREAD♥
Keep Reading♥
L O X X Y C U T I E ♥
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...