Papungay-pungay akong bumaba sa sala para mag-agahan, nasa hagdan pa lang ako ng may maamoy na agad akong napakabangong pagkain.
Sino kaya nagluluto?
Sigurado akong napakasarap ng pagkaing iyon. Binilisan ko ang pagbaba ko para matikman ang masarap na pagkaing iyon, Pagkarating sa kusina, agad kong nakita si Wanda na naka apron habang nagpiprito ng itlog at si Melody na inaayos ang pagkakainan.
Napatigil si Melody sa ginagawa nya at napatingin sa akin."Gising ka na pala Maxxine, umupo ka muna dyan dahil nagluluto pa si Wanda ng agahan for us" Ang sweet naman nila. Tutulong sana ako sa pagluto pero pinilit nila akong umupo nalang dito sa silya dahil para saakin daw iyon.
Umupo na lang ako dito sa silya, wala na akong magagawa. Pagkatapos magluto ni Wanda ng agahan at mag-ayos ni Melody ay nagsiupo na sila at nagsimula na kaming kumain ng niluto nilang itlog, hotdog , bacon pati na sandwich. Madami ba? Ewan ko nga sakanila anong naisipan nila, dati naman niluluto lang nila itlog at hotdog pero ngayon ang rami. Siguradong mabubusog ako nito lalo pa't masarap ang niluto nila.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta ako sa kwarto ko para maligo at magbihis ng uniporme dahil malapit na ang first subject ko. Pumasok ako sa banyo at naligo ng mabilisan.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang napaka cute na cute na uniform namin.Ito ay kulay puting long sleeves at sa dulo ng sleeves ay meron itong maliit na ribbong kulay pula sa magkabilang kamay at meron ding medyo malaking ribbon sa may gitna ng dibdib na may salitang kulay ginto at pulang stripes.
At nakalagay naman ang logo ng school sa may tapatan ng puso. Ang logo ng academy ay isang hugis pananggalang na may nakaukit na M.A sa gitna at may pakpak na kulay ginto sa magkabilang gilid nang hugis shield na mayroong nakacross na dalawang espada sa nakasulat na M.A.
At sa pinakababa ng logo ng academy nakasulat ang pangalan ko- Heartfillia, Maxxine sa kulay na pula.
Ang skirt naman namin ay two inches above the knee, stripes na red and black ang pinaghalong kulay nito.
Iba-iba ang uniform ng mga magixians dito ayon sa kanilang pinabibilangang class, hindi naman talaga ganon ka-iba, yung kulay lang ng uniform namin ang pinagkaiba pero pare pareho parin naman ang mga design.l nito. Sa Ruby Class ay may pulang disenyo gaya ng saakin, ocean blue naman ang kulay sa Sapphire Class, medyo light green naman sa Emerald Class, at sa Diamond Class naman ay kulay silver. At ang Gemia na magkahalo-halo ang kulay na parang bahaghari, pero ayon sa aking mga kaibigan wala pang mga magixians ang nakasuot ng uniform nito. At kung sino man daw ang makapunta sa class na iyon ay sinisigurado daw nila na napakalakas ng magixian na iyon.
Bumaba akong muli sa sala pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Pagkababa ko ay tumambad saakin ang dalawa kong kaibigan na cute na cute sa uniporme nilang kulay ocean blue. Ang cute talaga nila sa mga uniporme nila, so they are from Sapphire Class.
"Wow. Ang ganda mo sa uniform mo, Maxx" Komento ni Melody habang pinapasadahan ako ng tingin. Kakahiya naman.
"Oo nga. Mukha kang Goddess of Beauty na tinalo pa ang mga babae dito sa academy" Ang bolera naman ng mga ito.
"Ano ba kayo. Lumabo na ba mga mata nyo at sinasabi nyong maganda ako. Kung sino man ang maganda rito ay kayo- Wanda at Melody." sabi ko sakanila.
"Alam na namin 'yon, Maxxine" Ang hangin naman ni Maxxine.
Pagkatapos naming magbolahan ay inaya ko na silang lumabas para pumasok sa mga class na papasukin namin, lalo pa't ilang minuto na lang ay simula na ng klase. Ayoko pa naman malate sa una kong klase na Spell Casting. Dito namin ihahasa ang aming paggamit sa mga wand at pagbigkas ng mga spells ng maayos.
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...