“Ang ganda ng buhok mo” papuri ni Xandra sa buhok ko na nagkaroon ng blue highlights dahil sa Sapphire Gemstone.
Naikwento ko na sakanila ang tungkol sa pagkikita namin ng Legendary Mermaid at ang pagbigay ni ate Athea ng Sapphire Gemstone. Natuwa sila dahil nakuha na namin ang unang bato na kailangan namin, at nalungkot naman daw ang mga kaibagan kong babae dahil hindi daw nila nakita yung sirena. Dream daw nila makita si ate Althea, dahil nga Legendary Mermaid.
“Look at you, lalo kang gumanda” papuri rin ni Rosette, tinutukoy nya ay ang kulay asul kong dress na bumagay sa buhok at mata kong asul.
“Anong maganda dyan, mas nagmukha lang syang uod sa suot nya” Abat! Binabadmood ako nitong Fiona na to ah.
“Kesa naman sayo na ahas. Haha” Ang harsh talaga ni Xandra magsalita kahit kailan.
“Anong ahas ka dyan, bulate kaya. Haha” Mas lalo kaming nagtawa sa sinabi ni Windy. Haha.
“Haha, your so panget naman. We are pretty bulate that’s why we are so sexy not like you that is so panget” Conyong sabi ni Kate. Mukha nga silang bulate.
“Yeah, you look like a bulate that siksik your body to boys. So landi” napatawa kami sa panggagaya ni Xandra sa boses ni Kate. Haha, nagpaka conyo talaga eh.
“Anong sabi mo?”
“I said your so malandi, that’s why” Nakita kong pasugod na si Kate kay Xandra ng humarang sakanya si Xenon.
“Subukan mong saktan si Xandra at ako ang makakalaban mo” Ang masayahing si Xenon ay para na ngayong tigre. Nakakapangilabot ang boses nya at ang nakakatakot nyang expression.
“B-but, she is nauna” maktol nya habang nakapout. Galit na nga si Xenon, nagpapacute pa.
“But she is nauna” pangagaya ni Xandra nasa likod parin ni Xenon. Ang loka-loka talaga nito.
“Hey Kate, don’t waste your tears there. We will get our revenge” sabi ni Fiona habang naglalakad. Sumunod ang mga alalay nya, binunggo pa ako ni Fiona. Sabunutan ko iyon eh.
Fiona’s POV
Humanda sila, gaganti kami sa mga babaeng iyon sa pagpapahiya nila saamin sa mga boys. Matitikman nila ang bagsik ko.
“Anong balak mo?” malumanay na tanong ni Ayhlee.
Evil grin “I have a plan, to get our revenge”
“Exciting” nakangiting sabi ni Jhade. Talagang exciting. Haha.
“But what’s the plan?” asked by Kate. Hindi makapag hintay.
“Kailangan ba talaga nating gawin iyon?” May pag-aalala sa mukha ni Ayhlee nang itanong nya iyon. Iyan agad ang reaksyon nya pagkasabi ko sa plano namin. Haha.
“Yeah, don’t worry. Magiging easy lang ito” I said confidently. Naiisip ko pa lang ang mga istsura nila sa gagawin naming plano ay natutuwa na ako.
I’ll make them suffer except for the boys. Wahahah.
Althea’s POV
Pagka-alis ni Maxxine ay ang pagsulpot ni bessy sa tabi ko. Gumamit na naman sya ng teleportation magix. Tumakas siguro sa palasyo.“Bessy, napadalaw ka ata?” takang tanong ko kay bessy Azshalea, ang reyna ng Gemia. *sabog confetti*
Minsan na lang dumalaw si bessy dito dahil nga isa syang reyna ay napakabusy nito sa palasyo at sa paghahanap sa kanyang anak na sa tingin ko ay si Maxxine.
“Oo eh, na mimiss ko na naman si Safiara” malungkot nitong sabi. Pumupunta si bessy dito tuwing malungkot sya, wala kasi syang makausap sa palasyo maliban sa asawa nya na napakabusy rin sa pagiging mabuting hari.
“Bessy, I think I fou—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumingit si bessy.
“Wait bessy, nasaan ang Sapphire Gemstone mo. Ninakaw ba sayo? Nasaktan ka ba sa ginawa ng magnanakaw? Paano nila nakuha yung Gemstone?” hysterical nyang tanong habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.
Iyan ang gusto ko sa bessy ko, maalalahanin at over kung mag-isip. Ganyan talaga sya, may pagkachildish, pero hindi nya iyon ipinapakita sa mga nasasakupan nya, tanging sa mga malalapit lang sakanya ang pinapakitaan nito ng tunay nyang ugali. Kung isa kang mamamayan ng Gemia ay talagang magugulat ka dahil, seryoso si bessy at nakakatakot. Hindi mo sya mapaghahalataan na childish sya.
“Ibinalik ko na ang Sapphire Gemstone sa tunay na nagmamay-ari nito” Napakunot ang noo nya sa sinabi ko. Dahil sa pagkunot ng noo nya ay medyo gumalaw ng kaunti ang korona nyang punong puno ng dyamante at ang makapangyarihang gemstone sa buong Charm World, ang Gemlack. Isa itong gemstone na taglay lahat ng kapangyarihan ng Charm World, kaya ganoon nalang kalakas si bessy, pero isa lang ang kahinaan nya, iyon ay ang nawawala nyang anak na si Safiara.
“Ibinalik? Kanino?” takhang tanong nya saakin with confused look.
“Sa iyong anak—si Safiara.” Tuwa ang makikita sa mukha ni bessy.
“Talaga? Nasaan na ang anak ko? Malusog ba sya? Okay lang ba sya? Bessy sagot” Naghysterical na naman si bessy.
“Isa-isa lang okay. Una, ang alam ko nasa Magixx Academy sya. Pangalawa, medyo payat sya pero malusog na sexy. Ikatlo, okay naman, satingin ko. At kamukhang-kamukha nyo siya ni Ashton.” naiyak si bessy.
“Bakit ka umiiyak bessy?”
“Natutuwa lang ako na buhay ang anak ko, na nakarating sya sa mundo natin. Gusto ko na syang mayakap. Namimiss ko na sya” nagpupunas sya ng kanyang luha. Nakakaawa si bessy.
“Pero bessy, kailangan sya ang tumuklas sa pagkatao niya. Huwag ka munang magpakilala bilang ina nya.” sabi ko habang hinahagod ko ang likod nya.
“Pero baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nagkita kami. Alam mong ilang taon ko na syang hinahanap at sobrang miss ko na sya. ” malungkot nyang sabi. Ang kulit ni bessy.
“Alam ko ang dinanas mo sa pagkawala ni Safiara pero bessy hintayin na lang natin ang tamang panahon para maipakilala ang sarili nyo ni Ashton sa kanya bilang magulang nya. Hayaan na muna natin sya sa paglalakbay nya at pagtuklas sa sarili at magix nya.”
“A-ano ang pangalan nya” nagiging crack na ang boses nya dahil sa pag-iyak. Naawa ako sa pangungulila nila ni Ashton, lalo na sya.
“Maxxine Hearthfillia ang pangalan nya bessy”
“Ang ganda ng pangalan. Sana’y pinalaki sya ng maayos ng kumupkop sakanya.”
Puno na nang luha ang mukha ni bessy, hindi ko mapigilan pero napaluha na rin ako. Yinakap ko sya, actually magpinsan kami ni bessy. Kaya ganon nalang kami kaclose.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong alalahanin lahat ng nangyari bago mangyari ang pagkawala ni Safiara sa mundo ng magix at sa kanilang palasyo, ang Gemia.
∞
Next na po ang flashback ni Safiara or known as Maxxine, kung paano sya napunta sa mundo ng tao.
Okiie.Clarify: Si Althea po ay ang sirena, diba po nakatira sya sa Acidox River na parang acido na nagtutunaw ng mga bagay? Si Althea po ay hindi nalalasaw dahil reyna sya. Parang ordinaryong tubig lang ito para sakanya. Okie!
Kung may tanong kayo about the story. You can pm me on my wp account or in fb. Ok, huwag mahiya. I dont bite. Okie.
-loxxycutie
-rubinosaljon31
BINABASA MO ANG
Magixx Academy [School of Magix]
FantasyHighest Rank Achieve: #13 in Fantasy! Welcome to Magixx Academy, a school made only for few people who luckily posses special abilities and an elemental magix. It is a prestigious private magic school built by their ancestors a hundred years ago. In...