M.A. 43: Light of Death

6.4K 241 20
                                    

Loxxycutie's Point Of View

Ilang minuto lamang ang lumipas matapos ang ginawang pagpapalaho ni Maxxine kila Fiona ay agaran lamang silang nakarating sa gitna ng Magixx Academy. Napaawang ang kanilang mga bibig sakanilang nakita't nasaksihan. May pinaghalong awa at pagkamuhi ang nararamdaman nila. Awa dahil sa mga kapwa estudyante nilang nahihirapan at nasasaktan, at labis na pagkamuhi sa mga darkieters na lumusob sakanila't handa silang mapatay ng walang pag-aalinlangan.

"Ilang araw lamang tayong naglakbay at nawala dito sa paaralan ngunit ganito na ang nangyari sa paaralan natin." Malungkot na saad ni Ayhlee habang pinagmamasdan ang mga emprastrakturang sinira ng mga darkieters. May ilan rin sa mga silid-aralan ang nagsitumbahan, mga halamang nalanta at ilang mga estudyanteng sugatan at ilang mga hayop na nawalan ng buhay. Awang-awa sila sa naging kalagayan ng paaralan nila at ng mga estudyante. Labis silang namumuhi sa mga darkieters. Isinusumpa nila ang mga ito sa nagawa nila.

Ang kalangitaan ay nagdilim, humangin ng malakas at tila may malakas na bagyo ang paparating sa buong paaralan. Dahil sa labis na pagkamuhi, hindi na nakontrol pa ni Fiona ang kapangyarihan niya. Isa lamang ang tumatakbo sa isipan niya ngayon, ito ay ang mapatay lahat ng mga darkieters. Gamit ang kanyang hintuturo, isa-isa niyang pinagtuturo ang mga darkieters na natigilan dahil sa pagdilim at paghangin ng malakas. Napahiyaw ang lahat ng mga itinurong darkieters ni Fiona gamit ang hintuturo niya, dahil lahat sila ay natamaan ng malakas na kidlat na nanggaling sa itim na kalangitan. Ang iba sakanila'y nakaiwas at ang iba'y nawalan ng buhay. Lumapit sakanya ang isang darkieters na kakaiba ang kasuotan sa mga kasamahan niya, marahil ito ang kanilang pinuno. Gamit ang mga kamao ni Fiona ay pinagsusuntok niya ito sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Ilan sa mga suntok nito ay tumama, gaya nalamang sa mukha at tagiliran nito. Tumalon ang pinuno ng mga darkieters papalayo sa kinakatayuan ni Fiona. Tila natakot ang pinuno ng mga darkieters sa lakas ni Fiona. Sa gigil ni Fiona, hindi na ito nagdalawang isip pang lumikha ng sand storm. Nakisabay sa ihip ng hangin ang mga buhangin, ito ay nagpaikot-ikot sa ere hanggang sa pinuntirya nito ang gulat na darkieters. Ngunit, bago pa man matamaan ng sand storm ang darkieters ay nagawa na nitong makapaglaho. Napawalang bisa ang sand storm dahil baka may matamaan pang ibang estudyante. Nagpalinga-linga sa paligid si Fiona, nagbabaka sakaling makita niya ang kanyang kalaban.

"Huli ka!" Hindi nagawang magpumiglas ni Fiona dahil kapag ginawa niya ito, siguradong ikamamatay niya iyon. Nakapulupot kasi ang kamay ng darkieters sa leeg ni Fiona, habang ang isang kamay nito ay nakatutok sakanyang mukha habang may lumulutang sa kamay nitong itim na kapangyarihang bola.

"Bitawan mo 'ko! Hindi pa ako tapos sa'yo!" Sigaw ni Fiona na nakaagaw atensiyon ng mga kasamahan niya.

"Fiona!" Sigaw nila at sabay-sabay na nagpunta malapit sa kinakatayuan ng kaibigan, nang makalapit ay pinaikutan nila ang kaibigan at ang pinuno ng mga masasamang nilalang.

"Sige! Patayin niyo ako! Pero sisiguraduhin kong bago niyo ito magawa ay patay na itong babaeng to!" Mas nilapit ng darkieter ang bolang itim sa mukha ni Fiona. Ramdam na ramdam na ni Fiona ang sobrang init ng itim na bola. Siguradong malalapnos ang mukha nito sa oras na dumikit ito sakanya.

"Ano bang kailangan niyo't nanggugulo kayo dito?! Why don't you just mind your own business in your own dark kingdom?!" Tanong ni Skypre na nakahanda ang espada.

"This is what our dark kingdom business, ito ay ang mapatay kayong lahat!" Nakakakilabot nitong sagot na ikinaatras nila. Naging mas masama ang aura nito, ang mata nito'y naging itim na parang hihigupin ka ano mang oras. Kitang-kita sakanya ang pagkasabik na mapatay ang babaeng hawak niya. Kahit ayaw makaramdaman ng kaba at takot ni Fiona ay wala na siyang nagawa. Kusa niya itong naramdaman, at ito ang unang pagkakataong natakot siya sa tanang buhay niya.

Magixx Academy [School of Magix]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon