Hooded man
~*~
NAKED?! SERYOSO BA SIYA??!
Pa-pag hubadin niya ako habang nagre-recite?!Putakteng sorcerer ’to! Sinong matinong babae ang gagawa niyan?
Buset!
“Um.”
Nawala ang focus ko sa cellphone ng may magsalita sa likuran ko. Pagharap ko, nakita kong nakayuko ito at nakatingin sa mga cakes na nakadisplay sa loob ng transparent na iskaparate na nasa harapan ko. Hey, I know this guy..
“Sir--este” napailing ako. “Kazuki.”
umangat ang tingin niya sa akin at nanlaki ang mata ng makita ako. Marahil takang taka siya kung bakit ako nandito.
Ganon din naman ako sa kanya. Nagtataka din ako kung bakit nandito pa sya sa Shungalu Village eh nakita ko lang siyang umalis na kanina.
“J-jewel! A-anung ginagawa mo dito?”
Napangisi ako. Malamang dito ako nagtatrabaho, hindi ba obvious? Pero syempre hindi ko naman yan sasabihin. Baka bigyan niya pa ako ng low grades pag namilosopo ako dito tsaka friends na kami eh!
I flip my hair and gave him my sweetest smile.“Working student kasi ako kaya nandito ako.”
“Really?”napangiti siya ng malapad at umiling sa gilid. “No wonder palagi kang tulog sa klase ko.”
“Hah?” ano yung huli niyang sinabi?“A-ah! S-sabi ko, malapit p-pala ito s-sa bahay mo.”
Kumunot ang noo ko. Bakit parang namumula siya? And lately, parati siyang na-uutal..
Napangiti nalang ako ng pilit.
“Oo, ano po pala ginagawa mo dito?Nung pag hatid mo kasi sa akin eh nakita kita na naka alis ka na sa lugar na to.”
Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha.
“May hinahahap kasi ako.” seryoso niyang sabi sabay tingin-tingin sa paligid. Ano kayang hinahanap niya?
“Pwede ko bang malaman kung ano yun?”
Hindi siya naka sagot.
Tinignan niya lang ako sa mga mata ng seryoso.
Ano bang problema ng taong ito?
“May hinahanap kasi akong...”
Tinitigan ko din siya ng seryoso.
“Pokemon.”
What?
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...