-18-

1.6K 49 3
                                    

Mabilis akong lumangoy papunta sa dalampasigan.

Kelangan kong maunahan ang mga gunggong na ’yun papunta sa kuta nina Bamboo. Dapat ko silang ma-warningan.

Pagka-ahon ko, agad akong nagbihis at agad tumakbo papunta sa kagubatan kaso dahil sa kakamadali ko, natapilok ako at tumama ang ulo ko sa isang bato.

Parang nabagok yung ulo ko dahil sa sobrang sakit hanggang sa nagdilim nalang ang paningin ko.

Bamboo

Sigurado ka bang dito ’yun dadaan?” inip nanaman si Tar.

Sa totoo lang ang sarap niyang suntukin. Paulit-ulit ko nang sinabi sa kaniya na ito lang ang daang tinatahak ng doctor na ’yun pagmaniningil sa kuta namin pero duda pa siya.

Konting-konti nalang talaga ang pasensiya ko. Pasalamat siya dahil ginagalang ko pa siya alang-alang kay ate Jewel.

Oo dito ’yun dadaan.” pang sampu kong sagot sa pang-sampu niyang tanong.

“Kung dito dadaan, bakit dalawang oras na tayo dito pero wala pa siya?”

“Baka ho na-traffic.”

Bigla niya akong kwinelyohan ng may pagigigil. “Hindi ako nakikipaglokohan sa’yo!”

Natawa ako. Tingin mo nakikipaglokohan pa ako sa’yo sa sitwasyon nating ’to?” mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kwelyo ko at pinatay ako sa tingin. Binigyan ko lang siya ng maangas na tingin.

“Hoy! Ano ba!” Lumapit sa’min si ate Bambi at pinaghiwalay kami. Nagkakaproblema na nga tayo nagtatalo pa kayong dalawa!”

Dinuro ako ni gagong Tar.

Siya ang pagsabihan mo! Walang modo! Tinanong ko ng maayos na tanong, sasagutin ako ng pabalang na sagot!”

Dinuro ko din siya.

“Tama naman yung sagot ko ah! Baka naman talaga na-traffic!”

“Traffic? Gusto mong upakan kita? Ha? Sa tingin mo may traffic sa dagat? Anong katangahan ’yan Bamboo?”

Sumusobra na ang gagong ’to ah!

Itinaas ko ang kamao ko at itinapat sa mukha niya. Ganun din siya.

Ano ba kayo! Tama na!” tinulak kami ni ate Bambi palayo sa isa’t-isa.

Gamitin niyo nga ang utak niyo hindi puro init ng ulo ang pairalin!”

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon