~•~Gabi na. Nandito lang kami sa dalampasigan. Pinaglalamayan ang bangkay ni Half. Hindi naman kasi namin pwedeng dalhin sa bahay ni Manong Quarter o dahil baka may makakita at medyo nangangamoy na.
Inihiga lang namin ang katawan niya sa buhangin at tinakpan ito ng kumot.
Dito na kami matutulog dahil bukas na bukas ay napagdesisyunan na nila na susunugin na lamang ang bangkay.
Nagtayo si Grae ng dalawang maliit na tent at gumawa ng bonefire para incase man na may makakita sa’min‚ iisipin nilang nagca-camping lamang kami.
Mabuti nalang ang dalampasigan na’to ay natatakpan ng forest. Ang tourist spot ay nasa unahan pa. Bawal din pumunta dito ang mga namamasyal dahil sa hindi na ito parte ng pasyalan.
Ang parte lamang ng pasyalan ay ang dagat na may mga katabing road at bridges.
Tahimik kami habang pinagmamasdan ang bangkay ni Half. Ang kaniyang mukha lamang ang naka-usli. Ang kaniyang katawan ay natatakpan ng kumot.
Kung pagmamasdan mo siya‚ iisipin mong natutulog lamang siya dahil sa maamo niyang mukha. Ngunit maputla na ang kaniyang balat at nangungulubot na ang kaniyang labi.
Sobrang bigat sa pakiramdam habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha. Nalulungkot ako para sa kaniya.
“Sino naman kaya ang walang pusong gumawa nito.” Napalingon ako kay Melody. May pagkamuhi sa tono ng kaniyang pananalita.
Naaaninag ko ang mukha niya sa kaonting liwanag na binibigay ng bonefire. Sobrang lungkot niya.
Hanggang ngayon wala pa din akong magawa para patahanin siya.
Hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.
Humagulgol nanaman siya ng iyak.
Hinawakan ni Grae ang ulo niya at inihilig sa kaniyang balikat.“Tahan na.” aniya.
Napayuko ako. Hindi ko talaga magawang kumibo. Feeling ko iiyak na din ako. Para bang may naka-barang bagay sa lalamunan ko. Ang bigat sa pakiramdam.
Please lang luha‚ umurong ka.
“Mga anak, Jewel.” napalingon kaming lahat kay Manong Quarter.
Bitbit niya sa kaniyang kamay ang isang platong puno ng kanin na may sinabawang munggo.“Luto na ang pagkain. Kumain na tayo.”
Na-upo na siya sa isang malaking bato.
“Wala po akong ganang kumain.” nalipat ang tingin ko kay Melody. Hindi niya inalis ang tingin sa bangkay.
Si Grae ay tahimik lang na hinihimas ang buhok niya. Hindi siya kumibo.
“Kung nabubuhay pa yan na kapatid niyo hindi yan matutuwa na ganyan kayo.” nalipat ulit ang tingin ko kay Manong Quarter. Susubo na siya pero nahinto siya ng magtama ang aming mga mata.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...