--28--

1.5K 54 3
                                    

dedicated to brinethpatilan

KAZUKI


Jewel?”

Bakit kaya ang dilim dito sa sala?

Umakyat ako ng hagdan at hinanap siya pero hindi ko siya makita.

Pumunta ako sa kitchen‚ wala din siya.

Sa library‚ wala.

Sa kwarto at banyo‚ wala.

Guest room? Wala din.

Pambihira.  Nalibot ko na ang buong sulok ng bahay pero hindi ko siya nakita.


Napa-upo ako sa kama.


I am so damn tired. Ka-uuwi ko lang galing school. Gusto ko ng magpahinga pero hindi ko magagawa yun hangga’t hindi ko siya nakikita.


Iniwan ko muna siya dito after namin maglunch pero looks like umalis na siya.


Sabi ko sabay kaming maghahanap sa Hooded man na yun pero nagsolo flight siya. -.-


Ayaw niya ba akong kasama?


Hindi ko naman siya aasarin eh. -_-


Napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame.

Gwapo naman ako pero bakit ganun? Iniwan pa din niya ako.


Damn it! Hindi pa nga ako nanliligaw pero parang nabasted na ako.

Meow~


“Yay!” napabangon ako ng may tumalong pusa sa tiyan ko.


Shit! Ba’t nandito ’tong pusa?!

Kinarga ko ’to at napansin na may nakaipit na papel sa necklace nito.


Isang letter?


Dinukot ko ang papel at ibinaba ang pusa saka ito binasa.


Sorry kung hindi na ako nagpaalam pa sa'yo. Feeling ko wala dito sa Manila si Hooded man. Hahanapin ko siya sa ibang lugar. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Pasensiya na talaga. Iwan ko muna si Luffy sa’yo para naman may kasama ka ;P

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon