Full moon
~♪~
“Mike check mike test”
Umalingawngaw ang boses ni Melody sa microphone. Nakaupo siya sa isang high chair at may hawak na gitara habang tinetest niya ang volume nito na nakalagay sa isang mataas na stand.
“Hi Everyone! My name is Melody Note‚ the manager of this bar and I am here to sing for all of you. This song is dedicated to everyone. Para sa lahat ng kelangan ng karamay‚ listen to this song ‘Tabi’.”
Kinalabit niya na ang bawat kuwerdas ng gitara. Bawat strum na ginagawa niya ay unti unti ng nagpapasukan ang mga costumers at napupuno na ang bar‚ marahil ay narinig kasi nila ang napakagandang tinig ng pag-strum ni Melody sa gitara. Intro palang nito ay nakakarelax na sa pandinig.
la la la la la...
La la...Naranasan mo na ba
Mawalan ng makakasama?
Sa gitna ng daan
Hindi alam ang pupuntahanHuwag mag-alala
Hindi kita pababayaan
Sa iyong tabi
Ako ay iyong mahahawakanNaranasan mo na ba
Madapa at masugatan?
Hawakan mo ako
Hinding-hindi iiwanHabang kumakanta siya ay nagpapalakpakan ang mga costumer sa kanya. May nag wa-wave ng kamay tapos ang iba naman ay sumasabay ang katawan sa kanta.
Mala anghel ang mukha ni Melody habang kumakanta sa stage pero ngayong alam ko na ang tungkol sa kapatid niya‚ nababakas ko na ang lungkot sa kaniyang mga mata kahit pa nakangiti siya.
Napa-isip tuloy ako. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid?
Masaya kaya kapag meron kang kapatid?
Masaya kaya kapag meron kang pamilya?
Bigla ko na lang naalala ang aking nakaraan.
Yung mga panahong umiiyak ako dahil wala akong magulang at wala ding gustong mag-ampon sa akin.
I hate those memories.
Nagpalakpakan na ang mga tao. Pagtingin ko sa stage‚ bumaba na si Melody.
Tapos na siyang kumanta.
“Ang ganda ng boses mo!” pambungad ko sa kaniya ng maka-upo na siya sa table namin.Napangiti siya sabay higop sa straw ng pine-apple juice niya. “I know right!”
“Ikaw ba kumakanta din?”
“Oo naman! Marunong nga akong mag rap eh! Hehe!”
“Sige nga! Sampulan mo naman ako”
“Haha! Wag na! Nakakahiya.”
“Sige na please..”
“Hahaha!”
Daldalan lang kami ng daldalan. Kung anu-anong mga bagay ang pinag-uusapan. Mula sa mga hilig namin at sa mga hindi. Tungkol sa school at sa bahay. Tungkol sa kapatid niyang si Grae at tungkol kay Professor Kazuki. Ewan ko ba. Bigla nalang sumagi sa isip ko ang lalakeng iyon.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...