dedicated to miroblade
JEWEL
Kinaumagahan‚ ginawa na namin ang dapat gawin.
Bago sumikat ang araw‚ sinunog na namin ang bangkay ni Half. Pinanunood namin na masunog ang bangkay.
Habang si Melody naman ay kinakanta ang paborito nilang kanta ni Half. Ang "Tabi".
Si Grae ay nag-gigitara. Kami ni Manong Quarter ay tahimik lang na pinagmamasdan ang nasusunog na bangkay. Maya't maya pa ay unti-unti ng makikita ang pagsikat ng araw sa parteng silangan ng dagat.
Unti-unti na ding nagliliwanag sa kapaligiran.
Kahit nabasa na namin ang sulat at nalaman na ang nilalaman nito‚ nakakalungkot pa rin dahil sa wala na siya.
Naaaninag ko pa din ang lungkot sa mga mata ni Melody at Manong Quarter kahit ngumingiti na sila.
Parang pilit nilang tinatago ang nararamdamang kalungkutan.
~•~
Nakabalik na kami sa kabana ni Melody. Si Manong Quarter naman ay umuwi na din sa kaniyang maliit na bahay malapit sa dalampasigan.
Inayasana siya ni Melody na dito na tumira sa bahay niya pero tinanggihan siya ni Manong Quarter dahil sa mas sanay daw siya doon sa kaniyang simpleng bahay.
Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Half sa sulat.
Masama ba talaga si Hooded man?Kung masamang siyang tao bakit ang bait niya sa’kin nung una naming pagkikita?
Nagpakita pa nga siya ng concern nung makita niyang wala akong saplot sa katawan. Naalala kong tinanong niya ako kung hindi ba ako nilalamig nun.
Nakakaloka ang nakaraan kong yun.
“Okay ka lang?” i snap back.
Naka-upo si Melody sa tabi ko ng may ng-aalalang mukha.
“Ngumingiti ka kasi ng mag-isa.” aniya.Pakshet. Si Hooded man kasi.
“May naalala lang ako Melody.”
“Ano naman ang naalala mo?”
“Si Hooded man.”
Napabusangot si Melody.
“Masamang tao siya Jewel. Pinaglalaruan niya lang ang buhay ng mga sirena.”
Yumuko ako.
“Ngunit ang ipinagtataka ko lang. Bakit mabuti naman ang pakitungo niya sa’kin? Ayokong maniwala na masama siya Melody.”
“Baka ibang hooded man yung nakilala mo.” komento niya.
Napatikom ako ng mga kamay.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...