--45--

1.7K 65 13
                                    

“Seryoso?? Nasa France talaga tayo?”

“Oo nga! Bakit ba ang kulit-kulit mo?”

Inismiran niya ako ng may asar sa mukha habang na-uunang maglakad samantalang ako naman ay ngiting-ngiti na nakasunod sa kaniya.

Isa ’to sa mga pangarap kong puntahan at hindi ako makapaniwalang nandito na nga ako.

Ang cool talaga ni Almira! Nagagawa niyang puntahan ang mga lugar na gusto niyang puntahan sa isang iglap lang! Sobrang coooool.

Napahinto ako sa paglalakad ng marating namin ang spot kung saan nakatayo ang eifel tower ng Paris. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang taas nito.

Dati sa pelikula ko lang ’to nakikita. Pero ngayon‚ nasa harapan ko na!

“Reminder lang. Hindi tayo nandito para mamasyal.” napasimangot ako sa ugali niya.

Ang sama. Alam ko naman eh. Masama bang mamangha?

Habang naglalakad kami‚ pinagtitinginan kami ng mga tao. Siguro dahil sa damit namin o itsura. Ewan. O baka halatang hindi kami French.

“Dito tayo.”

Sumunod ako sa kaniya ng pumasok siya sa isang pintuan ng maliit na bahay.

“Entre.” sambit niya.

“Entre? Anu ’yan? Magic word? O ’yan ba yung no ID‚ no Entre?” hindi niya ako pinansin. Nakatuon lang ang pansin niya sa paligid...

Okay. Last Joke ko na yun. -.-

Biglang nag-iba ang itsura ng bahay. All of a sudden‚ isang palasyo na ang nasa harapan ko.

I can’t believe this..Ang ganda..

“Wow! Palasyo!” hindi ko mapigilang mamangha.

“Hindi ’yan palasyo.”

Nawala ang pagkamangha ko at kinunutan si Almira ng noo.

“Anong hindi palasyo? Palasyo kaya ’yan. Nakakita na ako ng ganiyan sa Tv.”

“Pareho ang itsura niyan sa mga napapanood mo pero hindi ’yan palasyo. ’Yan ang Witchcraft Academy.”

“Ay ganun ba?” I scratch ny head.

Mali pala yung expectations ko. Akala ko yung tipong itsura talaga ng Akademiya ang pupuntahan namin. Ito pala ang itsura niya.

Pumasok kami ng malaking pintuan. Lumang-luma na ang itsura ng Akademiya. Ang daming mga sapot sa paligid tapos ang dami ding statues.

“Parang mga totoong tao ang mga statue.”

“Totoong tao naman talaga sila.”

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Almira. “Seryoso ka?”

Naglakad siya sa mga malalapit na statue sa kaniya at hinawakan ang mukha ng isang statue na para bang nadapa. “Siya si Emegar.” lumapit naman siya sa isa pang statue na nakatayo at may yakap na libro. “Si Hasmi.”

“Si Kara‚ Rina‚ Ilina‚ Abdur‚ Rem.” sambit niya habang iniisa-isa niya ang mga statue.

“Lahat sila ay mga sorcerers.”

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon