KAZUKI
“Pards! Tara maghanap tayo ng chicks!” kinaladkad ako ni Grae papunta sa pinagmamayabang nilang Half Note’s bar.
“Pre kelangan kong asikasuhin kapatid ko.” palusot ko.
“Sus! Si Melody na ang bahala dun! Jamingan mo naman kami!”
Ayoko sanang sumama dahil ayokong isipin ni Jewel na chikboy ako pero anak ng tokwa nga naman oh. Mapilit ’tong lalakeng ’to.
Pagpasok namin ng bar‚ loud music agad ang bumasag sa eardrums ko. Nakakabingi ang tugtog tapos kahit hindi ka na maglasing‚ malalasing ka na sa likot ng mga tao dito. Sayawan dito‚ sayawan doon. Nakakahilong tignan. Dagdag mo pa ang mga malilikot ding makukulay na disco lights.
Just by staring at the moving disco lights makes me want to close my eyes. Ang sakit sa mata. Pa’no nila nagagawang magsaya sa ganitong environment?
“Hey bro! Okay ka lang?” winagwag ni Grae ang kamay niya sa harapan ko.
“Hindi yata sanay sa ganitong lugar ’yang bisita mo. Hahaha!” pang-aasar nung kaybigan niyang nagpakilalang Niño ang pangalan.
Inakbayan ako ni Grae sa balikat.
“Op op ops! Wag kayong ganiyan sa bisita ko! Professor ’yan mga pre! Bigatin ’yan! Magpapa-inom ’yan sa’tin! ’Di ba Kazuki?”
Lokong Grae na’to. Pinapasubo ako.
“Talaga?! Oh sige! Mago-order na ako ha?” hirit nung Carlo ang name.
Patay tayo diyan. Hindi ako umiinom.
“Op op ops!” biglang sumulpot sa likuran ni Niño at Carlo si Melody at piningot sila sa tenga. Napadaing ang dalawa.
“Di ba nasa trabaho kayo? Anong mago-order ang narinig ko?!” bulyaw niya habang nagpapalit-palit ang tingin sa dalawang unggoy.
“A-aray! Aray! Tama na boss Melody!” Carlo.
“Si Grae ang pasimuno!” Niño.
Sinamaan ni Melody ng tingin si Grae. Napakamot si Grae sa ulo sabay takbo palabas ng bar.
“Grae! Ugh! Kahit kelan talaga!”Napahawak nalang siya sa noo dahil sa kunsumisyon pero namewang siya sabay pinandilatan ng mga mata sina Niño at Carlo dahilan para kumaripas din sila ng takbo papunta sa kusina ng bar.
“Hay naku! Wala nang ginawa ang mga yun kundi ang pasakitin ang ulo ko.” na-upo si Melody sabay kuha ng isang round glass sa counter at sinalinan ito ng wine. “Mike hinaan mo nga ang volume ng speaker! Nakakabasag tenga na ’yang tugtog niyo!” pasigaw niyang utos sa isang maitim na payatot na may hawak na round tray.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
ФэнтезиDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...