--8--

2.1K 67 0
                                    

Tatay Quarter

~*~


“Jewel.”

“Jewel!”

Nagkamalay ako ng makaramdam akong may yumuyugyog sa akin. Pagmulat ko ng mga mata‚ sumalubong ang nag-aalalang mukha ni Melody.

“Melody.”

Napahawak ako sa noo ko. Nahihilo ako. Parang feeling ko anytime mag co-collapse ako. Ang sakit ng mga braso at siko ko. Pati yung mukha ko ang sakit.

“Nasaan ako?” If I remember correctly‚ nasa kama kami ng bigla nalang akong nag-collapse pero ba’t parang wala naman ako sa kama? Ang hard ng hinihigaan ko and.. I can’t see clearly the surroundings. Medyo blurr.

“Nandito ka sa bathtub. Hinimatay ka kanina.”

“Hah?” Ba’t dinala niya ako sa bathtub?

Unti-unti ng naglilinaw ang paningin ko hanggang sa nakikita ko nang mabuti ang paligid. Nasa banyo kami.

Bumaba ang tingin ko sa buntot ko. Nakalublob ako sa isang malaking ipon ng tubig.

“Tingin ko kaya ka nawalan ng malay dahil dapat nasa tubig ka kaya dinala kita dito. that make sense.

Napahinga ako ng maluwag. “Akala ko katapusan ko na. Buti nalang at tinulungan mo ako.”

“Salamat Melody”.

Namula ang pisngi niya at bigla siyang nag-iwas ng tingin na tila nahiya.

“Wala yon‚ ganun kasi ang ginagawa namin kay Half kapag nahihirapan siyang huminga.”

Napakamot siya sa kaniyang batok.

“Nilalagay namin siya sa bathtub na puno ng tubig at nilalagyan namin ’yon ng asin.”

“Ang swerte naman pala ni Half dahil meron siyang kapatid na maalagain.”

Napasimangot siya. “Sana nga ay bumalik na siya dahil miss ko na siyang alagaan.”

Pakshet! Nalulungkot nanaman siya!
Kasalanan mo ’to Jewel.

Nasapo ko ang sariling noo pero nanlaki ang mga mata ko ng may sumagi sa isipan ko.

“Melody.”

Umangat ang tingin niya sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.

“Paano mo nga pala ako nabuhat mula sa kama papunta dito sa bathtub? ’Di ba mabigat ’tong buntot ko?”

“Ah yun ba?” napangisi siya.

“Tama ka. Mabigat ka nga kaya hindi kita binuhat.”

Lalong kumunot ang noo ko.

“Eh kung hindi mo ako binuhat‚ paano mo ako nadala dito?”

“Simple lang! Kinaladkad kita. Tumama nga pala yung mukha mo sa kanto ng pinto tapos nakamusmos ka din sa sahig. Ang bigat nga ng buntot mo! Para akong naghihila ng limang sakong bigas.” sinamaan ko siya ng tingin.

Kaya pala ang sakit ng katawan ko tapos parang may parteng namamaga sa ilong ko. Leche!

“Ang sama mo! Hindi mo man lang iningatan ang mukha ko!”

“Wow hah! Pasalamat ka nga dahil niligtas ko ang buhay mo! Kung hindi kita kinaladkad papunta diyan sa tubig marahil patay ka na ngayon! Shunga!”

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon