Hindi naging maganda ang gising ko. Nagising akong nagkakagulo sa labas kaya lumabas ako.Laking gulat ko ng makitang may mga pating na nakapasok dito sa lungga ng mga chinese mermaids. Sarado lahat ng mga kabibe at tanging mga sireno lamang ang nakikipagsagupaan sa mga kahindik-hindik na mga pating. Maraming nabiktimang mga sireno sa laki at talim ng mga ngipin nito.
Naalerto ako at lumabas ng hindi nag-iisip. Hindi na ako natatakot dahil alam kong hindi nila ako kaya. Protekado ako ng kwintas kaya dapat akong tumulong. Hinugot ko ang isang mahabang patalim na nakatarak sa lapag katabi lang ng isang sirenong sugatan at walang malay.
Mabilis ko itong inihagis sa isang pating na lalapain sana si Dong Min. Nasapul nito ang ulo mismo ng pating kaya dire-diretso itong natumba sa lapag. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nagawa ko. Hindi ko alam kung tsamba lang ’yun o may talento pala akong umasinta pero bahala na. Ang mahalaga ay nakaligtas ako ng sireno. Maging si Dong min ay nagulat pero mas ikinagulat niya ng lusubin ako ng isang pating pero tumilapon lang ito sa malayo.
Dahil don, umatras sa laban ang mga kasama nito. Nilisan na nila ang lugar na’to. Nagtatalon naman sa tuwa ang mga sirena dahilan sa nasaksihan. Pinagkaguluhan nila ako at binato ng kung anu anong tanong. Pano ko daw nagawa ’yun at anung meron sa kwintas ko. Pinaliwanag ko sa kanila ang lahat at namangha naman sila.
Pero sa kasamaang palad, marami ang nasawi. Nawala din agad ang tuwa nila ng marinig ang mga iyak ng kapwa naming mga sirena para sa mga nasawing sireno at sirena.
Lalong-lalo na ang isang sirena na ang usap-usapan ay ito daw ang nagdala ng mga pating dito sa’min.
Nakita daw ang dalawang sirenang ito na tumatakbo papunta dito habang hinahabol ng mga pating. May sugat ang isang sirena samantalang ang isa naman ay maayos naman.
Ngunit damang-dama namin ang pagdadalamhati niya dahil ang sirenang sugatan ay wala na. Patay na siya.
Nanlumo kaming lahat pagkakita sa sirenang wala ng buhay. Malamti na ang kaniyang kulay. Naubusan na siya ng dugo dahil sa kalalangoy palayo sa mga pating.
Naalala ko nanaman ang mga nakita sa Celebes sea.
“Kasalanan ko ’to! Dapat hindi ko na siya pinilit pang sumama." Paghihinagpis ng sirenang kasama ng namatay.
Lumapit ang isa pang sirena sa kaniya.
“San ba kasi kayo nagpunta?”
Napayuko ang sirena at kinuyom ang mga palad.
“Hindi ko maiwasang mangulila sa kapatid kong may lahing pilipino. Sobrang nangugulila na ako sa kaniya kaya..kaya..” humikbi siya. “Naisipan kong magpunta ng Celebes Sea.” humikbi nanaman siya.
“Nagpasama ako kay Shin Ming Ah. Hindi ko naman alam na mangyayari ’to!” umiyak nanaman siya.
“Kim.” hinawakan siya ni Wang Li sa balikat. “Hindi mo dapat ginawa ’yon. Bawal sa’tin ang lumisan ng South China Sea. Alam mo naman yun ’di ba Delikadong umalis dito dahil marami ang mababangis na hayop sa dagat.”
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...