~•~
JEWEL
Inihiga ko si Bamboo sa isang pantay na lapag at ginawa ko ang CPR sa kaniya.
Bumuga siya ng maraming tubig.
“Bamboo. Ayos ka na ba?”
Hindi siya sumasagot. Dismayado siya.
Ang lakas siguro talaga ng impact ng pagkakahulog niya.
“Babalikan kita Bamboo. May kukunin lang ako.”
Nag-dive ako pa-ilalim ng tubig.
Kelangan kong balikan yung mga gamit ko. Baka madala yun ng bagyo.
Pagbalik ko sa dalampasigan‚ gumapang ako papunta sa malaking puno at hinakbot ang mga gamit saka gumapang ulit pabalik sa dagat.
Palakas ng palakas ang ulan. Halos madala na din ako ng hangin.
Pagkabalik ko sa loob ng kweba ay nakita kong dismayado pa rin si Bamboo.
Ipinatong ko ang mga gamit ko sa isang tabi at pilit na inaakyat ang sarili sa pantay na sahig pero hindi ko magawang iangat ang aking katawan dahil sa ang bigat ng aking buntot.
Nakalublob pa kasi ito sa tubig kaya hindi ito naging mga paa.
Hindi kasi pantay ang tubig sa lapag ng kweba. Dalawang dangaw kasi ang taas nito sa ibabaw ng malaking ipon ng tubig na kinalulugaran ko tapos malalim pa ang tubig.
Mga 15 feet siguro.
Kung pupunta naman kami doon sa dulo nito kung saan kami unang dumaan nina Chuchu at Chichi‚ hindi ko siya magagawang itaas sa pantay na sahig dahil sa isa na itong malaking bangin.
Mga 20 feet na ang agwat nun sa ibabaw ng tubig at ang ilalaim naman ng tubig ay hindi ko alam dahil sa napakalalim nito na halos hindi na makita ang lapag.
Dito na nga lang malapit sa labas ng kweba ang kaya kong abutin dahil sa mababa lamang ito pero si Bamboo lang ang naipatong ko sa pantay na lapag samantalang ako ay hindi ko ma-igawang iakyat ang sarili.
Napabuntong hininga ako matapos piliting makaakyat.
Useless.
Hanggang dito lang talaga ako sa tubig.
Pakiramdam ko naubusan ako ng lakas kaka-try umakyat ng sahig. Sumakit lamang ang mga braso ko.
Dito na nga lang ako.
~Cough cough
Napatingala ako kay Bmboo ng bigla siya umubo. Dumapa siya at may mga tubig pang lumabas sa bibig niya.
Mabuti nalang at buhay pa siya!
Nanghihinang napaupo siya at napasandal sa dingding ng kweba.
Maririnig ang dalugdog at ang malakas na walang tigil na pag ulan sa labas ng kweba pati ang mga patak ng namumuong tubig sa taas nitong malaking kweba.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...