--32--

1.5K 53 0
                                    

KAZUKI

“Class dismissed!”

Lumabas na ang mga students ko. Nagligpit na din ako ng mga gamit at lumabas na din.

“Kazuki!”

Kamuntik ng malaglag ang puso ko sa taong bumungad sa’kin.

Si Jewel Seaford. Nakangiti siya sa’kin ng wagas.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito.

“Bakit nandito ka?” napangiti ako ng malawak at napahawak sa baba. Pogi sign. “Nandito ka ba para bisitahin ang gwapong ’to?”

Nawala ang ngiti niya at bigla akong kinurot sa siko. “Yabang mo!”

“Aray! Eh ba’t ka nga nandito?”

Muli nanaman siyang ngumiti ng nakakatunaw na ngiti.

Ang ganda niya talaga.

“May ipapakita ako sa’yo.”

Napangiti ako at tinaas baba ang kilay.

“Ano yun?”

“Sumunod ka na lang!” hinigit niya ang braso ko at bigla nalang akong kinaladkad. Sumunod naman ako sa kaniya ng hindi inaalis ang tingin sa kaniyang mukha.

Ano kayang ipapakita niya? Hindi kaya nahanap na niya si Hooded man? Yun na ang ipapakita niya sa’kin?

Pagkababa namin ng school building‚ dinala niya ako sa nakaparke kong kotse sa likod ng gate.

“Sakay na tayo!”

Kinunutan ko siya ng noo. “Bakit? Nandiyan ba sa loob yung ipapakita mo?”

Napa-ikot siya ng mga mata.

“Hindi yun ganun! Dadalhin kita dun pero kelangan mo ako ipagmaneho.”

Ganun? Kelangan talagang ipagmaneho ko siya?

Sinunod ko nalang siya at pumasok na kami sa loob.

Pambihirang babaeng ’to! Ang layo layo na ng narating namin tapos dadalhin niya lang pala ako sa isang kagubatan?

“Saan mo ba talaga ako dadalhin ha? Kelangan ba talaga dito sa mabato?” pagrereklamo ko habang tumatapak sa mabatong lugar na’to! Parang kami lang yata ang tao sa lugar na’to!

“Shh! Maglakad ka lang!”

San ba kasi ’to? I-sasalvage na ba ako? O baka naman!

Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti.

“Don’t tell me your planning to rape me?” i like the idea.

A flying small rock hit my forehead.

“Aray! Ano ba!” hinimas ko ang noo ko sa sakit.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon