JEWEL
“Dito ka na kumain Jewel.” ani Mei. Hindi na ako nakatanggi pa dahil kinaladkad na niya ako pa-upo sa sahig.
“Nagluto ako. Siguradong magugustuhan mo ’to!” nilapag niya sa munting lamesa ang mga pagkain.
Dumplings‚ fresh veggies at kung anu-ano pa na hindi ko alam ang tawag.
Sumandok ako sa plato ko at kinamay ang mga ito. Ang sasarap!
Pansin ko ang ang pagtitig ng mag-ina sa’kin kaya tinitigan ko din sila. “May dumi ba ako sa mukha?”
Natawa nalag si Mei Jing Shi pero takang nakatingin pa din sa’kin si Jijing. “Bakit po hindi ka gumagamit ng chopstick?”
Kaya pala. Yung chopstick pala ang issue. Kamuntik ko ng makalimutan. Chinita pala ako dito.
“Kasi masarap magkamay. Try mo din.”
Napaatras ng ulo si Jijing at hindi nalang ako pinansin.
“Nandito na ako.” napalingon ako sa dumating. Isang teenage girl.
Dire-diretso siyang pumasok. Dinaanan niya lang kami.
“Liling.” Sita ni Mei sa kaniya pero parang wala siyang narinig. Dumiretso siya sa isang kwarto. Ano kayang problema nun?
“Pagpasensiyahan mo na ang batang ’yun. Suplada talaga ’yan.” binalik ko na ang tingin kay Mei. Mukhang may problema silang dalawa.
Tahimik na ulit.
~•~
“Ingat ka mama! Ingat ka ate ganda!” tanaw namin ang pagkaway ni Jijing sa pintuan ng bahay. Kumaway din kami ni Mei.
Nagpaalam siya sa bata na aalis siya at bukas na siya makakabalik. Since pareho naman ang daang tatahakin namin‚ sabay na kaming lumabas. Paglabas namin ng kanilang bakuran‚ tanaw ko na ang dalampasigan. Naglakad kami papunta don.
“San ba ang punta mo Jewel?”“Ah..” tumingin ako sa daang papuntang kalsada. “Doon lang. Mamasyal lang.”
“Ganun ba? Ingat ka ha?”
Huminto siya sa tapat ng isang bangka at tinulak ito papunta sa dagat.“Tulungan na kita.” tinulak ko din ang bangka.
“San din ba ang punta mo?” tinuro niya ng nguso niya ang dagat.
“Manghuhuli ako ng mga isda. Ito ang trabaho ko.”
“Really?” Someting’s fishy.
Sumakay na siya ng bangka at nagsimula ng magsagwan. Kumaway ako sa kaniya. “Ba-bye! Ingat ka!”
Ngumiti siya at tumango.
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa daan papuntang kalsada.
Hindi ako naniniwala. May something sa kaniya and I need to find out.
Sinulyapan ko siya kung nakalayo na siya. Malayo na nga siya at nakatalikod na kaya naman agad akong tumakbo papunta sa dalampasigan at mabilis na puma-ilalim ng dagat.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...