Dream come true
~♦~
Isa na nga akong ganap na sirena.
Totoo nga.
Totoong-totoo nga ang lahat! Hindi ako niloko ni Hack. Totoo ang spell na ibinigay niya. Naging sirena nga ako!
Yes!
Para akong isang bata na gumi-giggles at kumakampag-kampag dahil sa sobrang saya!
“Finally! Dream come true!”
Makakapag-swimming na ako sa ilalim ng tubig! Matutupad na ang pangarap kong marating ang iba't-ibang parte ng dagat! Woohoo! Ang saya!
“Jewel”
tumingala ako sa kaniya ng nakangiti ng abot tenga.
Bigla siyang natawa.
Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa madilim na paligid pero alam kong nakangiti siya ng malawak dahil ang puti ng kaniyang mga ngipin. Ito lang ang bukod tanging nakikita ko sa kaniyang mukha.Nawala ang ngiti ko sa labi at takang tinitigan siya.
“Bakit ang lawak ng ngiti mo?”
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Mas lalo ding kumunot ang noo ko.
Mula sa kaniyang likuran ay inilabas niya ang isang bagay at ini-abot sa akin.
“Kahit isa ka nang ganap na sirena wag na wag mong kakaligtaang magsuot nito”
lumanding ang mga mata ko sa bagay na inabot niya sa akin.
oh my gosh, my bra!
mabilis na hinakbot ko ito sa kaniyang mga kamay.
“Eto na nga oh! Isusuot na!”
Hindi nakalagpas sa tainga ko ang pag hagikhik niya ng mahina. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
Sana lamunin na talaga ako ng lupa!
Ng ma-isuot ko na ang bra, humarap ako sa kaniya ng ngiting-ngiti.
“Ah...Ano nga palang pangalan mo?”
“Pasensiya na magandang binibini pero hindi ko basta-basta ibinibigay ang pangalan ko.”
Nagtaas ako ng isang kilay.
“Ang arte mo naman! Pangalan ko nga alam mo tapos yung iyo hindi ko alam?! So unfair!”
“Ganun talaga ang buhay. Tawagin mo nalang ako sa kahit anung pangalang gusto mo.”
“O---kay.”
Napahawak ako sa baba at nag-isip ng pwedeng itawag sa kaniya.
“Ano kayang maganda? Man in black? Bathala? Robinhood? Hooded guy! No‚ panget non. Hmm--Ah!”
Nagliwanag ang aking mukha.
“Hooded man! Yon!”
He smile at me and I smiled back.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...