--42--

1.6K 54 7
                                    

 

HACK

“Hack umamin ka nga. Where did you really go?”

Pagpasok ko ng school‚ pangungulit agad ng dalawa kong kaybigan ang sumalubong sa’kin.

Isang malapad na ngiti lang ang isinagot ko sa kanila habang naglalakad kami sa hallway.

“Secret. Haha!”

“Sabihin mo na kasi! Bakit ba bigla kang nawala?” Charlie.

Tinignan ko siya at nilapitan ang tenga saka bumulong.  “Secret. Haha!”

“Come on men!”

Tinawanan ko lang siya.

“Siguro may nakilala kang magandang chiks nu?” Nilingon ko si Jason at nginitian. Kung alam lang nila. Hindi lang basta basta magandang chicks ang nakilala ko. Isang sobrang gandang sirena.

Wala na yatang mas gaganda pa sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti na parang baliw habang inaalala ang mukha niya.

“Sus! Yan si Hack? Wala ngang interes sa babae ’yan!” Charlie.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan silang dalawa.

“Gusto niyong malaman?” agad naman silang tumango.

“Yung totoo..” Ngumiti ako at inilapit ang mukha sa pagitan nila. “I’ve met a cute little fish.”

Nagkatinginan silang dalawa na parehong walang ideya sa sinabi ko. Ngumisi lang ako at iniwan silang nakanganga at wala talagang ideya.

JEWEL

Nalibot ko na ang buong dagat sa florida. Nagpunta na din ako sa karagatan at iba pang isla pero hindi ko talaga mahanap si Almira.

Nagi-exist ba talaga ang sirenang ’yon?

Kahit sa facebook‚ hindi ko siya makita.

Leche. Isang araw na akong naghahanap sa kaniya. Nakakapagod na. Kelangan ko ng magpahinga.

Ang lawak ng dagat. Imposibleng makita ko siya..

“Jewel.”

Napatigil ako sa paglangoy ng may marinig akong boses sa likuran ko.

Humarap ako at nakita ang tatlong sireno na nakatayo at masama ang tingin sa’kin. Kulay itim ang kanilang mga buntot.

Napaatras ako.

“Sino kayo? Bakit kilala niyo ako?”

Ngumisi ang nasa gitna at lumangoy palapit sa’kin habang ako naman ay lumalangoy paatras. “Hindi na importante kung sino kami. Ang importante ay nakita ka na namin.”

Shet! May nilabas siyang mahabang kutsilyo sa likuran niya! Papatayin niya ba ako? Sino ba talaga sila?

“Enzo may usapan tayo. Hindi mo muna siya papatayin dahil titikman ko muna siya." Saad nung isang manyakis sa kaliwa niya.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon