--34--

1.5K 53 1
                                    

“Hack darling! Come here baby!” biglang umupot sa likuran ko ang isa sa tatlong babae na kasama namin. Mga kaybigan sila ni Jason.

Lasing na lasing siya pati na din sina Jason at Charlie samantalang ako ay hindi ko magawang maglasing.

Dapit-hapon na at parang wala pang balak umuwi ang mga ’to. Nandito lang kami sa isang beach na siyang napili ni Jason na galaan.

Sa lahat pa ng pwede niyang piliin‚ dito pa talaga sa pinaka-ayaw kong lugar. I hate the sea and I hate drinking beer pero wala akong magagawa dahil ako lang ang may ayaw. Kaya eto ako ngayon‚ sinasakyan lang sila.

Tinanggal ko ang nakapulupot na kamay ng babaeng ’to at nilipat kay Charlie na ngayon ay dismayado ng nakahiga sa buhanginan. Maging si Jason ay dismayado na din pati ang dalawang babaeng nakapulupot sa kaniya.

Nangasim ang mukha ko sa lakas ng amoy ng alak kaya naman tumayo ako at naglakad papunta sa kalmadong dagat.

I inhaled the smell of the sea and let my feet get wet by the water.

Memories suddenly flashed through my mind.

“Mama! Mama!”

“Yes Hackie?”

“I wanna go there!” tinuro ko ang dagat. Sinimangutan ako ni mama.

No sweety. I’m sorry. Hindi marunong lumangoy si mama.” I pouted but Dad carried me.

“Maybe you’re mama doesn’t know how to swim but daddy can swim!” dinala ako ni Dad sa malalim na tubig saka inalalayang lumangoy.

“Yey! Thank you daddy!”

“You’re welcome my boy! Sorry if you’re mama is such a loser.”

“Hahaha. Ikaw talaga Maurice! You’re teasing me! Lagot ka sa’kin mamaya!” yamot na sabi ni mama saka siya inirapan.

Tumawa lang si papa at binalik na ako sa mababaw na tubig saka nilapitan si mama at nilambing.

I step back and breath heavily. Those memories are still hunting me until now. This is why I don’t like the sea. It makes me remember how happy we were back then but now my life is so miserable.

I hate her. Ayoko na siyang maalala. Kung bakit ba kasi dito pa naisipang gumala ni Jason.

Damn that Jason. He ruined my day.

Tumalikod na ako sa dagat pero sa pagtalikod ko‚ nagulat ako ng makita ang mukha ni Jewel Seaford.

Nakatayo siya sa harapan ko at masama ang tingin sa’kin. Why is she here? Is she following me?

Natawa ako.

“Pati ba naman dito sinusundan mo ako? Hahaha!” tinuro ko ang mukha niya. “Hoy miss! Tigilan mo na ako okay? I already told you. I am not a sorcerer. I’m just making fun of you.”

Hindi siya sumagot. Nakahalukipkip lang siya kaya ngumisi ako at nilagpasan siya. Pero paalis na sana ako ng bigla niyang higitin ang damit ko kaya na-out balance ako at natumba sa buhanginan.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon