JEWEL
“AAAAAAHHHH!!!” Sabay kaming napasigaw ni Hack ng makita ang mukha ng isa’t-isa. Napabangon agad ako at ganun din siya.
Buset na lalakeng ’to! Bakit katabi ko siya?
“Bakit niyakap mo ako?! Lumayo ka nga sa’kin!”
Wow! Ang feeling!
“Ikaw kaya ang nakayakap sa’kin! Nasa tiyan ko pa nga yung braso mo tsaka limot mo na ba? Ikaw yung nag-suggest kagabi na ganiyan tayo hanggang sa sumapit ang umaga.”
“Hey I don’t remember saying that! Ang sabihin mo‚ sinadya mong yakapin ako. Nakahilig ka pa nga sa dibdib ko! Don’t tell me you have a crush on me?! Ha! You’re not my type so don’t get your hopes up.”
Langya!
“Ako?” tinuro ko ang sarili ko. “May gusto sa’yo?” kunyaring sumuka ako “Eww! Pwe! In your dreams! Kahit gwapo ka‚ walang magkakagusto sa’yo sa gaspang ng ugali mo!”
“Hoy para malaman mo‚ lahat ng babae sa Amazon Academy‚ patay na patay sa’kin kaya....” ngumisi siya at lumapit sa mukha ko‚ giving me a smug smile. “Hindi rin malabo na magkagusto ka sa’kin.”
“Talaga?”
I gave him my sweetest fake smile. “Iba ako Hack Woods.” tinitigan ko siya ng masinsinan sa mga mata. “Hindi ako tulad nila kaya ’wag kang feeling dahil kahit kelan hindi kita magugustuhan.” wala siyang nasabi kaya nginisian ko siya at tinalikuran saka iniwan ng mag-isa.Naglakad ako ng mabilis papasok sa kagubatan. Buset siya. Ang kapal ng mukha niya! Ako? May gusto sa kaniya? No way. Never!
Siya ’tong dikit ng dikit sa’kin kagabi eh!
“Aray!” napatigil ako sa paglalakad ng may ma-apakan akong matigas na bagay. Yumuko ako at tinignan kung ano ito. Isa itong hugis patulis na bato na kulay itim.
Bwiset na bato ’to. Balak pa akong sugatin. Kinuha ko ang bato para itapon sana sa malayo kaso may napansin ako. May nakasulat dito, parang isang matulis na bagay ang ginamit na panulat.
Ano naman kaya ito? posible bang makasulat ang isang matulis na bagay sa bato? Parang imposible. Ang ganda pati ng pagkakatarak ng mga titik.
Tuwing sasapit ang malamig na gabi, hindi ka mapapakali.
May multong humahaligid haligid sa gabing sobrang lamig.
Ito'y umiiyak at sa ina'y tumatangis.
Para makatulog ka ng mahimbing, kailangan mo ng kapiling.
Nangunot ang noo ko pagkatapos basahin ang nakasulat. Sino naman kaya ang sumulat ng ganito? Hindi kaya yung multo? So ibig sabihin, filipino yung multo? Parang ang tinutukoy ng nakasulat dito ay yung nangyari kagabi. I wonder if is this some kind of curse?
~gruuuuu.
Leche gutom na ako.
Isinuksok ko sa jacket ko ang patulis na bato at naglakad papunta sa isang mataas na puno ng buko saka umakyat para kumuha ng buko.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasíaDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...