“Oo‚ bakit?”
Natuod ako sa kinatatayuan ko.
Siya?
“Imposible, paanong..” Siya ba talaga si Almira? Yung unang sirena? But how? Sa itsura niya, mukhang magka edad lang kami. Iba yung expectations ko.
“What? Imposibleng ano?” Naguguluhan niyang tanong.“Ikaw ba..”
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Ang unang sirena?"Namilog ang mga mata niya at napatakip siya ng bibig. “OMG! Nasabi ko sa’yong ako ang unang sirena! Shet!” binatukan niya ang sarili. “Wala dapat na ibang makaalam nito. Secret natin ’to ha?”
So siya nga??
Tinignan ko siya taas baba. “Paano nangyari yun? Ang pagkakaalam ko, 40 years old na ang unang sirena. So bakit mukhang...”Kinunutan ko siya ng noo. “Hindi ka naman tumanda?”
Napabuntong hininga siya at pinatong ang mga bisig sa buntot niya sabay na-upo sa isang pagi na dumaan. Umupo din ako.
“Si Loki ang may gawa nito. Ginawa niya akong immortal.”
Immortal?
Kuminang ang mga mata ko. “Ang cool! Ang swerte mo naman! Forever young!”
Sinamaan niya ako ng tingin at sabay buntong hininga. “Akala mo lang swerte ang maging ganito. Para sa’kin sumpa ito.”
“Bakit naman?”
“Basta.”
Mukhang ayaw niyang pag-usapan. Napabuntong hininga ako.
“Siya nga pala. Pinapahanap ka ni Queen sa’kin. Malaki daw ang maitutulong mo para pabagsakin si Lo--.”
“Wala akong paki-alam.”
Natigilan ako. Tama ba yung narinig koiotàr? Wala siyang paki-alam? Bakit? Naguguluhang tinignan ko siya sa mga mata.
Blangko ang ekspresyon niya. Makikita mo sa mga mata niyang wala talaga siyang paki-alam.
“Kung naparito ka para kumbinsihin akong kalabanin ang mangkukulam na si Loki, nagsasayang ka lang ng oras dahil kahit anong gawin mong pagpilit, hindi ko siya kakalabanin. Pasensiya na.” umalis na siya sa pagi at iniwan akong naka-upo pa rin habang umaandar ang pagi.
The hell?
“Teka nga lang! Bakit ba ayaw mong kalabanin si Loki? Dahil ba siya ang nagbigay sa'yo ng buntot?” Pinantayan ko siya sa paglalangoy. Hindi niya ako tinignan. Diretso lang siyang nakatingin sa harapan niya. “Hindi, ayoko lang talagang maki-alam sa hidwaan nila. Labas na ako diyan.”
“Hidwaan nila? Sa tingin mo, hidwaan lang nila ito ni Queen? Buhay nating lahat ang nakasalalay dito. Lahat tayo ay mapapasakamay niya at wala kang paki-alam? Bakit ganiyan ka?”
Ngumisi siya at hinarap ako ng nakapamewang. Nanghahamon ang mga mata.
“Tinatanong mo kung bakit ganito ako?” Hindi ako sumagot.
Suminghap siya. “Sige, sasabihin ko sa'yo. Namumuhay ako ng tahimik. Nang mag isa. Masaya ako sa kung anong buhay meron ako ngayon. Kung dumating man ang katapusan nating lahat. Wala na tayong magagawa kung hindi tanggapin na lang ito. Kaya habang may oras pa, i-enjoy mo na lang ang pagiging sirena mo. Kagaya ng ginagawa ko. Mag explore ka, pumunta ka sa kahit saang lupalop ng mundo na hindi mo pa nararating. Subukan mo ang mga hindi mo pa nasusubukan. Just live.”

BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...