JEWEL
"Lumayo ka sa'kin!"
Ang OA naman ng batang to. Daig pa ang babae kung tumili.
"Tumigil ka nga sa pagsisigaw! Bading ka ba?"
Umatras pa siya ng umatras. Hindi ko na napigilang mapa irap. "Hindi kita sasaktan! Tao lang din naman ako tulad mo!"
"E-eh..b-b-bakit m-m-may b-b-buntot ka?"
Geez. Mukha ba akong nakakatakot para magkaganyan siya?
"Naging sirena ako dahil sa isang sorcerer. Ginawa niya akong sirena pero tao pa din ako."
Kumunot ang noo niya. "Sorcerer? Meron bang ganon?"
"Oo meron! Kaya nga may buntot ako kasi totoo ang magic! Totoo sila!"
Sa wakas huminahon na din siya.
Tumayo siya at naglakad palapit sa'kin.Naglakbay ang mga mata niya sa buntot ko. Hindi maitatago ang labis na pagkamangha niya. "Ang hirap paniwalaan ate Jewel."
Natawa ako sa sinabi niya pero agad din natigilan ng may marinig...
"Tingin mo nandito siya?"
"Siguro kasi ito nalang ang parte ng kweba na hindi pa natin napupuntahan."
"Bakit Ate Jewel?" Tanong ni Bamboo ng mapansing nag iba ang timpla ng mukha ko.
"Sina Chuchu at Chichi..nandito sila."
"Ha?" Nagpalinga linga siya "Wala naman ah."
"Parating palang sila. Kelangan kong magtago."
Hindi ko na hinantay ang sasabihin ni Bamboo. Agad na akong pumailalim ng tubig.
Maya't maya lang ay dumating na nga ang kambal. Niyakap nila si Bamboo ng makita nila ito at nakita kong naglakad na sila papasok sa pinakaloob ng kweba.
Salamat dahil okay lang sila.
Sinundan ko sila at nakita ang yate.
Kelangan ko silang tulungan. Alam kong bukas na ang dating ng sindikato. Maghahanap ako ng mga perlas. May oras pa.
TAR
"Bamboo!" Napalingon ako kay Bambi ng banggitin niya ang pangalan ni Bamboo.
Tumakbo siya at niyakap si Bamboo na nakatayo sa hagdan. Masama ang tingin niya sa'kin. Psh.
Puro lang pala siya salita. Sabi ko na eh. Babalik at babalik siya.
Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...