JEWEL
Kabado at nahihiya.
’Yan ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ako ng mga sirena at sirenong intsik.
Hindi ako maka-imik. Titig na titig sila sa’kin!
I got all of their attention which is hindi ako sanay!Ngisi ni Mei ang nangibabaw.
“Hahaha! Ano ba kayo! Hindi naman siya nangangagat! Lapitan niyo na siya!”
Napansin ko ang isang babae na maliit lamang ngunit maganda. Parang gusto niyang lumapit pero halatang pinangungunahan siya ng hiya. Sa kaniyang likuran naman ay may dalawang babae na nakabuntot sa kaniya.
Nahihiya man‚ tinaas ko ang isang kamay at kumaway.
“M-Magandang gabi sa inyo.”
“Narinig niyo yun? Nagsalita siya gamit ang wika natin!”
“Oo nga! Nakakatuwa!”
“Tara! Lapitan natin siya!”
Parang mga bulate kung lumangoy papunta sa’kin ang tatlong sirena.Hinawakan ako ng isang maliit na sirena ng may kumikinang na mga mata.
“Magandang Gabi sa’yo!” Tumango ako at binati din siya kaya napangiti siya ng bongga sabay harap sa dalawa niyang kaybigan.
“Naiintindihan niya tayo! Ang galing!”
Kinalabit ako ng isa pang sirena.
“Ngayon lang ako nakakita ng berde ang buntot! Ang ganda mo!”Napangiti ako. Emeged. Maganda daw ako. Haha!
Lumapit na din ang iba pa at pinalibutan ako. I feel so pretty. Hohoho!
Ganito na ba talaga kabago para sa kanila ang sirenang katulad ko?
Kung sabagay kahit ay naninibago sa kanila!
“Ano ba ang pangalan mo? Ako si Zhang Min! Eighteen years old!” pakilala ng maliit na sirena habang pinagmamasdan ako.
I gave her my sweetest smile.“Ako si Jewel! Twenty years old at taga--”
“Ako naman si Whang Li! Isa akong taiwanese!”
“Liu Yang! Twenty years old! Hi!”Anak ng tupa. Hindi na nila ako pinatapos magsalita. Isa-isahan na silang nagpakilala sa’kin. As if ma-memorize ko lahat ng mga names nila!
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...