--46--

1.6K 63 14
                                    

“Teka nga! Baket?!” inunat ko yung mga bisig ko para pigilan sila sa balak nila sa’min.

Bakit nagkakaganito sila?! Ano bang nasabi kong mali?

“Mga salot kayo! Lalo na ’yang babaeng ’yan! Tuta ’yan ni Loki!”

“Teka nga! Mali kayo! Hindi niya kakampi si Loki! Tutulungan pa nga niya tayong pabagsakin—”

“Salot ‘yan! Patayin na ’yan!”

“Malas ’yan dito!”

“Yan ang magdadala ng katapusan sa’tin!”

“Hfncnendnnddn.”

Leche! Bakit ayaw nilang makinig?

Kung anu-anong masasakit na salita ang binabato nila kay Almira. Bakit ganun? Bakit ganun sila?


“Hulihin sila!”

Luh! Huhulihin nga talaga nila kami!

“Jewel! Umalis na tayo dito!” hinigit ni Almira ang kamay ko pero hindi ako nagpahila. Hayaan mong kumbinsihin ko sila!”


Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

“Hindi mo na mabibilog ang mga utak niyan! Sarado na ang isip nila! Tignan mo!”

She’s totally right. Mukha ngang wala talaga silang balak makinig.

“Sige umalis na tayo!”

Nagsulat nanaman siya sa sa ere at umilaw ang word na...Tokyo Japan...?!

Bakit sa Tokyo Japan?!


“A-anung..” Kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha ng Japanese pink mermaids and merman ng makita nilang nagliliwanag ang katawan namin at sa isang iglap‚ nagbago ang itsura ng paligid.

Natagpuan ko nalang ang sarili namin na nasa loob ng isang kwarto o more like studio?

Bakit may mga nakapaskil na tarpulin at photos ni Light Yagami ng Death Note?


Tumingin ako kay Almira. Nakatalikod siya sa’kin. Tinitignan niya din ang paligid.

“Anung lugar ’to? Bakit dito tayo dinala ng magic mo?”

“I’m not sure pero I think si Light Yagami kasi yung unang pumasok sa isip ko kaya—KYAH!!”

Napatalon ako sa gulat ng bigla siyang tumili. Kala mo eh nakakita ng white lady.

“Ba’t nagulat ka?”

Tinignan niya ako taas baba ng may naguguluhang mukha. Sino ka?! Nasan si Jewel?! Anong ginawa mo sa kaniya?!”

“Ako ’to si Jewel. Shunga na you?”

“Ikaw ’yan?! Bakit nag-iba ang itsura mo?”

Ay anak ng itsura ’yan. Oo nga pala. Nakalimutan kong nag-iiba pala ang itsura ko dahil sa ability kong maka adapt ng lahi.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon