--11--

1.8K 66 1
                                    

“Ohara Tribe”

~•~


THIRD PERSON

Sa isang isla na kung tawagin ay Poro Island ay may isang liblib na kagubatan. Sa liblib na kagubatan ay may sampung tao na naninirahan dito.

Tinatawag nila ang kanilang sarili na Ohara tribe- isang tribo na binubuo ng sampung tao.

Ang tribong ito ay pinamumunuan ng kanilang pinuno na si Tar.

Sila ay may secret hide out at nabubuhay sa pagnanakaw ng mga kagamitan ng mga turista na pumupunta sa Poro Island.

Mahilig din sila gumawa ng mga bitag para manghuli ng mga hayop na pwede nilang kainin.

Dong dong~

Tumunog ang isang malaking kampana na nakasabit sa isang mataas na puno.

Nakabalik na si Fig!”sigaw ni Hans, isang miyembro ng Ohara Tribe.

Siya ang mata o tagamasid ng grupo.

Umalingawngaw ang kanyang boses sa loob ng kanilang secret hide out. Nasa itaas ng isang watch tower si Hans ng matanaw niya ang maliit na unggoy na si Fig, ang masunuring alaga ni pinunong Tar.

Ipinatunog niya ang malaking kampana para marinig ng lahat ng nasa loob ng kanilang hide out.

Napamulat ng mga mata si Tar.

Humikab siya at nag-unat ng kaniyang mga bisig.

Sino ba yung sumigaw?! Ang sarap ng tulog ko iniistorbo ako.” inis na tanong niya sa dalawang babae na nagpapaypay sa kanya gamit ang malaking dahon ng saging.

Naka-upo si Pinunong Tar sa isang silya na gawa sa kahoy at ang dalawang babae naman ay nakatayo sa magkabilang gilid niya‚ pinapaypayan siya. Kagigising niya lang mula sa masarap na tulog.

Si Hans ang sumigaw mahal naming pinuno, nakabalik na daw si Fig.” malambing na sagot ni Yin‚ isang maitim na babae na taga paypay kay Tar sa left side.

“Isa lang ang ibig sabihin nun Pinuno. May dala nanaman siya para sayo.” komento ni Lin‚ ang tagapaypay sa right side ni Tar.

Hindi tulad ni Yin si Lin. Si Lin ay maputi pero pareho silang maganda.

Masayang umayos ng upo si Tar.

Sa wakas matapos ang paghihintay natin ng isang linggo, may ibang nilalang din ang umapak dito sa isla.”

Tumayo siya at tumingin sa kaniyang nasasakupan. “Papasukin si Fig!”

"Aye aye! Captain!" sigaw ni Gan at Fall‚ dalawang batang lalaki na nagbabantay sa pintuan ng kanilang hideout.

Binuksan ng dalawa ang pintuan at iniluwa nito ang isang maliit na unggoy.

Naglakad ito papunta kay Pinunong Tar at iniabot ang isang water proof bag pack at saka umupo sa kaniyang balikat.

Ano kaya ang laman ng bag?”tanong ni Yin.

Patingin! Patingin!” sabik na sabi naman ni Lin habang sinisilip-silip ang loob ng bag.

Tigil!” Inilayo ni Tar ang bag sa dalawa.

Ako ang magbubukas ng bag at hindi kayo kaya manood lang kayo.”inis na sagot ni Tar. Natigilan naman ang dalawang babae.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon