“Chuchu and Chichi”
~*~
Dapat sa mga oras na ito..Nag-eenjoy ako sa paglangoy sa dagat.
Dapat sa mga oras na ito..
Naghahanap ako kay Half.
Dapat...
makalaya na ako dito sa loob ng malaking kulungan.
Napabuntong hininga ako.
Gabi na at hindi pa ako kumakain. Bukas pa nila ako hahatulan. Mabubuhay pa kaya ako bukas?
Hay!
Napasandal ako sa gilid ng rehas habang nakatingin sa maulap na kalangitan.
Mabuti na lang hindi full moon ngayon. Dahil kung full moon, baka nagbalik nanaman ako sa pagiging sirena.
Nakakatakot dito sa kagubatan. Madilim at hindi ko man lamang maaninag ang paligid! Pero kung nasa ilalim ako ng dagat ay makikita ko ang buong paligid kahit madilim pero nandito ako sa lupa which means wala akong kakayahang makakita sa madilim. -.-
Natatakot ako.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at isinubsob ang mukha dito. Sana umaga na.
“Psst!”
Pakshet ano yun?!
“Pssst!”
Kinilabutan ako bigla. May sumisitsit. Pero sino?
“Fufufufufu!”
Mula sa likuran ko‚ nakarinig ako ng mahinang pagtawa.
Boses ng isang batang babae!
Kahit madilim at nakakatakot sa aking likuran buong tapang kong sinubukang lumingon kahit na pakiramdam ko isang nakakakilabot na multo ng batang babae na may duguang katawan ang nakatayo sa aking likuran.
Ngunit paglingon ko‚ wala namang tao.
Napahinga ako ng maluwag.
imagination ko lang siguro.
Pero sino yung narinig kong sumitsit?
Nah! Siguro nagkamali lang ako ng rinig, siguro mga insects lang yun at siguro gawa lamang ito ng aking malawak na imahinasyon.
Pero..paano yung tumawa?
Wala namang insekto ang nakagagawa ng ganoon.
._.
“huhuhu! Lubayan niyo ako please lang!”
Para na akong takot na bata dito dahil sa kakangawa.
Tumigil lamang ko ng may marinig at makita akong biglang gumalaw at lumitaw na isang ulo mula sa pinanggagalingan ng boses ng batang tumatawa ng mahina kanina.
“Okay‚ Hindi na ito nakakatuwa. Alam kong tao ka kaya..” nilakasan ko ang loob ko.
“Sino ka? Magpakita ka! Hindi ako natatakot sa’yo!” sigaw ko habang nanginginig ang tuhod.
Yeah‚ em trying to be brave. Leche!
Unti-unting tumayo ang taong nagtatago sa kadiliman.
Hindi nga ako nagkakamali! Isang batang babae nga!
Napaka-cute na batang babae.
Nakasuot siya ng pang tribo gaya nina Bambi at Bamboo. Nakatirintas ang mahaba niyang buhok. Nakayuko siya at tila nahihiya.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...