Discovered Identity
~*~
JEWEL
Hindi ako makagalaw sa aking posisyon habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga mata ni Melody.
Melody is same as me. Nanlalaki din ang kanyang mga mata habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa buntot ko.
“M-Melody.” kabado kong sambit.
“I-isa kang..sirena?”
Hindi ako maka-sagot. Nagkakarera ang puso ko sa kaba. Anong sasabihin ko? Paano kung isuplong niya ako sa lahat ng tao? ibenta sa perya? O katayin ang mga buntot ko!
Wag naman sana.
“Boss Melody!!” Pareho kaming napatalon sa gulat ng may sumigaw mula sa ibaba.
Nagkatinginan ulit kami ni Melody.
Nangi-ngiusap na ang mga mata ko sa kaniya samantalang siya ay gulat pa ding nakatingin sa akin.
Maya’t-maya lang ay nakarinig na ako ng mga yabag sa hagdan.
Parang hihimatayin na na ako dito sa kaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nagulat ako ng bigla nalang isinara ni Melody ang pinto at ni-lock ito.
Tumakbo siya papunta sa akin at mabilis na hinakbot ang naka-tuping kumot sa uluhan ng kama saka ito binuka.
“Melody! Anong gagawin mo?! Please huwag mo akong ibenta!” bulalas ko sa mahinang boses habang winawag-wag ang mga kamay sa harapan niya thinking na babalutin niya ako ng kumot at isasako saka ibebenta sa perya.
Na-iiyak na ako. Sana hindi nalang ako nagpunta pa dito! Napahamak pa tuloy ako.
Bigla niya akong binato ng unan sa mukha. “Pwede bang tumahimik ka muna! Hindi kita ibebenta! Tatakpan ko lang ang buntot mo!” bulyaw niya sa mahinang boses at tinakpan niya nga ang buntot ko.
Natigilan ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi niya daw ako ibebenta? At tinakpan niya ang buntot ko!
Pero bakit?
“BOSS MELODY! BOSS! OKAY LANG BA KAYO DIYAN?”
Napataas ang balikat ko sa gulat ng may sumigaw at tumu-tubtob ng malakas sa nakasarang pinto.
Nagkatinginan kami ni Melody‚ parehong taranta ang mukha.
“Melody”
“Shh! Wag kang gagalaw! Relax ka lang. Bubuksan ko ang pinto.”
“Pero—” magsasalita pa sana ako kaso tumayo na siya at naglakad papunta sa pintuan.
Ng buksan niya ang pintuan‚ iniluwa nito ang dalawang nilalang. Nanigas ako sa kina-uupuan ko.
Ang dalawang manyakis na kaybigan ni manyakis na Grae!
“Ano bang problema niyo? Ba’t ba kayo sumisigaw?” nakapamewang na tanong ni Melody sa dalawa.
“Eh kasi Boss! May narinig kaming nabasag mula dito sa kwarto mo! Eh natakot kami na baka kung ano na ang nangyari sa’yo!” paliwanag nung isang kaybigan ni Grae. Siya yung may yosi sa bibig na humarang sa akin. Bakas ang pag-aalala nila sa mukha.
Ano naman kasi ang ginagawa nila dito sa loob ng bahay ni Melody?!
Napa-ikot ng mga mata si Melody at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...