-21-

1.5K 49 0
                                    

Ito na ang araw ng paglisan ko sa islang ito. Pupunta na kami ng Pacijan Island at dun na din ako magpapaalam sa kanila.

Sa loob lamang ng tatlong araw, ang dami ng nangyari. Dinakip nila ako, pinagnakawan at kinulong pero nakilala ko naman ang dalawang super cute na kambal. Sila ang tumulong sa’kin para makatakas pero sa kasamaang palad ay nahuli pa rin kami ng mga kasamahan nila at nalaman pa ni Tar na sirena ako pero may mabuting puso pala si Tar. Pinaalis niya na ako para hindi ko na itakas ang kambal palayo sa kaniya. Pero hindi agad ako nakaalis dahil sa pagsuicide ni Bamboo. Niligtas ko siya at tinulungan. Tinulungan ko din sila sa problema nilang lahat kay Doctor Kumar at ngayon nga ay malaya na sila. Gusto na nilang magbagong  buhay. 

Sa loob lamang ’yan ng tatlong araw.

Hooded man, the creator of my fishtail, kung nakikita mo ako, you must be so proud of me..

Nakikita mo ba ako ngayon Hooded man?

“Jewel.”

Tinapik ako ni Bambi sa balikat.

“Nasa yate na sila. Tayo nalang ang hinihintay.”

“Sige susunod na ako.”

Ngumiti siya sa’kin bago tumalikod at nauna ng sumakay ng yate. Magkasundo na kami ni Bambi. Alam niya aalis na ako at syempre, ikapapanatag nang loob niya ’yon dahil mababawasan na ang karibal niya sa puso ni Tar.

Well hindi niya naman talaga ako naging karibal kasi wala naman akong gusto kay Tar. At kahit kelan hindi ako magkakagusto sa mokong na ’yun. Pero si Tar, obvious namang may gusto sa’kin kaya pinagseselosan pa din ako ni Bambi. Pero quits na kami ngayon.

Tinignan ko muna ang kabuuan ng isla bago sumakay ng yate.

Aminado ako. Mamimiss ko ang islang ito at ang Ohara tribe. Ngumiti ako bago tuluyang umakyat sa hagdan ng yate.

Pagkapasok ko ng yate, nakita kong nakadungaw ang mga bata sa balconahe habang ang tatlong dalaga naman ay naka-upo lang sa mga upuan.

Tumabi ako at maya-maya lang ay pinaandar na ni Tar ang makina ng yate.

******

“Sige na, kaya niyo ’yan.”

Tumango sa’min sina Chuchu at Chichi bago kumatok sa pintuan ng bahay nila.
Halatang kinakabahan ang kambal pero mapapansin mo din ang pagkasabik sa kanilang mga mukha na makita na ang kanilang mga magulang.

Sa pangatlong katok, bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng nasa trenta anyos na yata. Wala pa ngang sinasabi sina Chichi, halata na itsura ng ginang na namumukhaan niya ang kambal. Sunod-sunod na patak ng luha ang lumabas sa mga mata niya at agad sinunggaban ng yakap ang dalawa.

“Mga anak! Nagbalik kayo!”

“M-mama..”

ngumawa na ang mag-iina at maya’t-maya lang ay may lumabas pang lalake na trenta anyos din siguro. Katulad nung ginang, niyakap niya din ang kambal.

Sobrang saya nila to the point na pati ako ay na-iiyak na din. Buti pa sila. Nagkita-kita na. Ako kaya.. Buhay pa kaya ang pamilya ko? makikita ko pa kaya ang nanay at tatay ko?

“Jewel..” napatingin ako kay Tar ng tawagin niya ako. Tumango ako. “Alam ko..”

Naglakad ako papunta sa kaniya at sabay naming nilisan ang bahay nina Chu at Chi.

Napagkasunduan naming hindi na ako magpapaalam pa sa mga bata dahil siguradong pipigilan lang ako ng mga ito.

Aalis na lang ako na parang bula. Na parang walang Jewel Seaford na nag exist sa mundo nila.

It’s for the best.

Pero pinapangako ko naman sa sarili ko na  balang araw, magpapakita ulit ako sa kanila at bibisitahin ko naman sila pagmay time.

“So pa’no ba ’yan. Hanggang dito nalang.”

Tinanguan ko si Tar. Nandito kami sa tagong dalampasigan. Magpapaalam na sa isa’t-isa.

“Paalam Tar. Good luck sa bago niyong buhay. Sana maging masaya kayo.”

“Paalam din Jewel. Good luck din sa paghahanap sa sirenang hinahanap mo. Sana mahanap mo na siya.”

Ngumiti ako at binigyan siya ng isang yakapsol. “Salamat Tar.”

“Yakap lang? Wala bang kiss?” Tinapik ko siya ng malaka sa balikat. “Loko. Bye bye na.” tumalikod na ako at naglakad papunta sa tubig. Nang five feet na ang tubig, naging buntot na ang mga paa ko at lumangoy na ako palayo sa Pacijan Island.

Paalam mga kaybigan..


***"***















The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon