--5--

2.6K 65 0
                                    

Half Note’s Bar

~♦~

“Labo mo kausap. Baliw ka ba?”

Kung wala akong galang, baka binatukan ko na sa ulo ’tong Manong na ’to!

Siya nga ang malabo kausap, siya pa may ganang magtanong kung baliw ako? Lecheng tanong yan.

“Hindi naman ho talaga ako nagsasalita ng lengguwaheng bikol. Hindi ko nga alam yan.”

“Ineng, pwede ba? Huwag mo nga akong pinaglololoko. Kahit kwarenta anyos na ako‚ matalas pa ang pag-iisip ko. Hindi ka nagtatagalog. Nagsasalita ka ng Bikol”

“Eh kayo ho pala ang malabo kausap eh. Hindi nga ako nagsasalita ng Bikol. Tagalog ho! Tagalog!” asar kong sabi.

Pinangsingkitan na niya ako ng mga mata. Pinangningkitan ko din siya hanggang sa magsukatan na kami ng tingin at sa bandang huli, napabuntong hininga nalang siya at tumalikod.

“Umalis ka na dito Baliw! Wala akong panahon makipag bakbakan sa’yo! Madami pa ang gagawin ko.”

At talagang tinatawag niya akong baliw? Bwiset na tindero ’to!

“Hindi nga ho ako Baliw! Ano ba kayo!”

Humarap siya sa akin ng bakas ang inis sa mukha.

“Baliw ka! Tignan mo nga yang sarili mo! Wala kang tsinelas tapos basang-basa ka pa! Nakikipag-usap ka sa akin sa lengguwaheng Bikol tapos sinasabi mong hindi mo alam ang lugar na ito? Na hindi mo alam kung saang parte ka na ng Pilipinas? Baliw ka nga!”

Napaawang ako ng labi sa inis. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko na magawa. Alam ko kasing paulit-ulit lang ang sasabihin niya sa akin na isa akong baliw. Na nagsasalita ako ng Bikol.

Parang gusto ko na tuloy maniwala sa  sinasabi niya na baka nga nagsasalita ako sa lengguwaheng iyon. Pero paano naman nangyari iyon? Malinaw na malinaw sa pandinig ko na tagalog ang dialect niya at ganun din sa akin.

“Ba’t nandito ka pa? Umalis ka na nga! Magpagamot ka ng utak mo” urggh! Damn this old man!!

Inirapan ko siya at naglakad na palayo.

“Basta hindi ako Baliw!” pahabol kong sigaw.

“Oo! Baliw ka! Loka-loka!”

Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nakaka-High blood siya eh. Shet. Na-iistress ang paa ko sa kaniya. Mainit na nga itong sementadong daan‚ umiinit pa ang ulo  ko sa Manong na yon.

Bwiset siya!

Nilakad ko na ang mainit na daan. Buti nalang may mga parteng madamo kaya doon ako tumatapak.

Hindi ko pa feel bumalik sa dagat. Naku-curious pa ako sa lugar na ito. Ang haba pa kasi nitong road. Gusto kong malaman kung anu ang nasa dulo nito o anu-ano ang mga pasyalan dito. First time ko kaya makapunta dito.

Inikot-ikot ko ang paningin sa paligid. May mga upuan sa gilid ng road at ang mga upuan na ito ay may kaniya-kaniyang design tapos bawat upuan ay napapagitnaan ng puno ng niyog.

Umaalon-alon ang dagat na siyang tumatalsik sa gilid ng road.

Sa kabilang gilid naman ay puro
mga bundok naman ang matatanaw.

Okay, i-fastforward na natin ang aking paglalakad dahil believe me‚ mahaba talaga ’tong road promise.

after 12345678 hours of walking, tumigil ako sa paglalakad at dismayadong napa-upo sa isa sa mga benches na nadaanan ko.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon