--9--

1.7K 69 0
                                        

“Discovered Ability.”

~*~

W

ala namang problema kung sabihin man ni Manong Quarter ang pagka-sirena ko kay Grae. Okay lang naman. Kapamilya naman nila siya eh.

Tsaka sure naman akong hindi ipagkakalat ni Grae na sirena ako dahil once na ginawa niya yun‚ ipapakain ko talaga siya sa mga pating.

Oras na din siguro para malaman niya ang sikreto ng pamilya niya.

Pero sana lang eh wag siyang mabibigla at hihimatayin.

Grae.”

Tumingin kaming lahat kay Manong Quarter. Seryoso ng mukha niya at ganun din si Grae. Halatang interested siya sa aaminin ng ama.

Huminga muna ng malalim si Manong Quarter at tsaka ito ibinuga.

This is it.

Si Jewel ay third cousin mo Grae.”

("° Π °")

“Ano?” sabay kaming nagulat ni Grae.

Anong third cousin ang pinagsasasabi niya? Is he serious? Hindi ’yon ang ine-expect kong sasabihin niya!

“Third cousin ko si Jewel? Paano naman nangyari yun?”-Grae.

Seryoso po ba kayo diyan?”

“Oo Jewel at ngayon ko lang din nalaman.” ngingiti-ngiti pang sabi ni Melody.

Whaaaaat? Seryoso ba sila?? So kilala nila ang family ko? They knew my mother amd father who abandoned me in the orphanage?

“Anak siya ng pinsan ko anak, kaya kilala ko siya nung makita ko siya sa labas.”nakangiting paliwanag ni Manong Quarter.

"Seryoso ba talaga ’to? Hindi ito joke tay?!" Tumingin ako kay Grae. Hindi siya makapaniwala and so am I talaga!

Tumango ang papa niya bilang sagot.

Napaawang ng labi si Grae at kinunutan kaming lahat ng noo.

“Eh ano yung sinasabi niyong baliw siya? Tsaka yung binulong ni Melody ano yun?”

“Joke lang yun anak. Pinagtitiripan ko lang siya. He-he-he.” sagot ni Manong Quarter.

napabagsak ng balikat si Grae na tilay may bumasted sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko at biglang nag-iwas ng tingin.

Sayang, gusto pa naman kita, pinsan pala kita.”

The heck?

Anong sabi mo?”tanong ng tatay niya.

Wala ho! Uwi na ako, bye.” walang galang na sagot niya at lumabas na ng bahay ng hindi man lang kami nililingon.

Dinig kong umandar na yung motor niya at humarurot na ito ng takbo palayo.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Manong Quarter at Melody.

Anyare dun?” tanong ni Manong Quarter. Nagkibit-balikat kami ni Melody.

Tumingin ako kay Melody at kinunutan siya ng noo.

“Mag-pinsan nga ba talaga tayo?”

Bigla siyang napahagikhik.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon