--44--

1.6K 64 6
                                        

“Almira!!” mapapaos na ang boses ko kasisigaw pero hindi siya tumitigil sa pagtakbo.

Ang bilis niyang tumakbo! Hindi ko na kaya. Pagod na ako. Huminto ako saglit at nagpahinga sa isang gilid.

“Hohoho! Hanggang diyan ka nalang ba Joel?”

Ugh! Hindi niya ba alam na panlalaki ang pangalang Joel? Buset.

Parang pinaglalaruan niya lang ako. Sinasadya niyang habulin ko siya.

Patawa-tawa lang siya tapos huminto din talaga siya para asarin ako? Bwiset.

“Hahaha! Just give up girl! Tanggapin mo ng wala kang laban sa’kin. Fair na nga ako sa’yo oh. Hindi ako gumamit ng magic para lang matakasan ka. Pero hindi mo pa rin ako mahabol-habol. Meaning to say‚ hindi mo talaga ako kayang kumbinsihin.”

“Nagpapahinga lang ako. Hahabulin pa kita.”

Naging seryoso bigla yung mukha niya pero mabilis lang na kumupas ito dahil ngumiti siya ng mapang-asar.

“Catch me if you can.”

“No don’t go!” pakshet magsusulat nanaman siya sa ere.

Tatakbo na sana ako ng may humigit ng braso ko. Paglingon‚ isang babaeng naka damit ng pula ang humigit sa’kin.

Pinanindigan ako ng balbon sa kulay ng mga mata niya. Kulay pula ito. Pati ang kulay ng buhok niya ay kulay pula din.

Sino siya? Nakakatakot ang aura niya.

“Bitiwan mo nga ako! Sino ka ba?” hinigpitan niya ang pagkakahawak sa pulso ko kaya napadaing ako sa sakit.

“Kasalanan mo kung bakit nanghihina si Master Loki! Dapat kang mamatay!”

Master Loki? Si Hooded man?

“Wala akong alam sa sinasabi mo! Ang alam ko‚ ginawa niya akong sirena!”

“Sinungaling!”

“Bleed long time no see.” napatingin ako sa nagsalita.

Almira..

Hindi siya umalis..

Nabitawan ni Bleed ang kamay ko at napatingin sa dako ni Almira. Nakatayo si Almira sa harap namin at seryosong nakatingin sa kaniya. Magkakilala sila?

“Nandito ka pala taksil.”

Sinamantala ko ang pagkakataon. Tumakbo ako papunta sa likuran ni Almira.

“Anung ginagawa mo dito? Bakit nandito ka..”

“Ako ang dapat magtanong sa’yo niyan Bleed. Bakit nandito ka? Tama ba ang narinig ko? Nanghihina si Loki?”

Isang matulis na tingin amg ibinigay nya kay Almira. “Dahil yun sa huling sirena kaya siya nanghihina. Dapat mamatay ang sirenang ’yan.”

Tinakpan ako ni Almira. “Bleed. Hindi ka masamang tao alam mo ’yan. Bakit nagpapaikot ka sa kamay ng baliw na si Loki?”

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon