JEWEL
Pagkababa ko ng eroplano‚ naglakbay ang paningin ko sa paligid.
Ang daming Americans! Kakaiba ang itsura ng lugar dito pati ang klima. Although ine-expect ko sanang may snow pero wala naman. Hindi pa yata winter. Prepared pa naman ako. Pang winter pa naman ang get up ko ngayon.
Leche. Mahubad na nga ’tong scarf at makapal na jacket. Hindi naman malamig.
Nagmamadali akong pumunta sa isang glass wall at tinignan ang sariling reflection.
Ako pa din ’to.
Akala ko magiging pure blood American ako kapag tumungtong ako dito. Hindi pala. Walang nagbago sa itsura ko.
Bakit kaya pakiramdam ko hindi na bago para sa’kin ang lugar na ’to? It feels like I've been here before.
Kinuha ko ang isang papel na nakasuksok sa’king maong na pantalon. Naglalaman ito ng isang photo ng University na iprininta ni Kazuki sa printer niya para makatulong sa paghahanap ko kay Hack Woods. Sa likod ng photo na ito ay nakasulat ang pangalan ng school at address nito.
Amazon Computer College University
Location: 1234 Gainsville st. Fort Myers‚ Florida‚ USA.
Napabuntong hininga ako at kunot noong pinagmasdan ang larawan.
Saan naman kaya ito dito sa Florida? Ngayon lang ako nakarating dito kaya mahihirapan akong hanapin ang lugar na’to.
Kinalabit ko ang isang magandang american na dumaan sa’king gilid.“Excuse me ho!” lumingon siya sa’kin at tinignan ako. Nginitian ko siya sabay pakita sa kaniya ng picture. “San po ba ang school na’to?”
Kinunutan niya ako ng noo.
“Are you not from here dear? You should speak in english so I could understand you.”
What the hell?
Bakit hindi naging tagalog yung wika niya? Hindi ba gumagana dito ang ability ko?
“Hey.”Winave niya ang kamay niya sa tapat ng mukha ko.
“Are you still there?”
Hindi ako makapagsalita. Naguguluhan ako.
Bakit ayaw makisama ng ability ko. Bakit hindi ako nakaka-adapt?
“You should find some tourist guide.” napakurap ako ng tapikin niya ko sa balikat.
Naglakad na siya paalis.
Naiwan akong nakatayo pa din at nag loloading pa din ang utak sa daan.
“Mommy! I want this one!”
“No honey! That's not good for your health.”
“Oh look at that! she's kinda hot.”
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...