“Into the cave.”
~*~
THIRD PERSON
1:00 am
“Pinuno! Gising!”
Naalimpungatan si Tar dahil sa isang malakas na boses at pagyugyog sa kaniya. Pagmulat niya ng mga mata‚ tarantang mukha ni Bambi ang kaniyang nakita.
Kahit medyo nahihilo at antok pa‚ bumangon siya para lang alamin ang problema ng dalaga.
“Anu bang problema mo?!”
Naghihingalo ang dalaga bago ito nakapagsalita. “Pumunta ako ng kulungan para maghatid sana ng pagkain para sa Bilanggo! Ngunit pagdating ko doon wala na siya!”
Napatayo si Tar dahil sa gulat.
“Paano nangyari iyon?”
Umiling si Bambi bilang sagot. Napa-sabunot siya ng kaniyang ulo sa inis.
Paano naman makakatakas ang bilanggo kung nasa kaniya ang susi ng kulungan?
Liban nalang kung may tumulong sa kanya?
Nagtungo siya sa kanyang maliit at lumang cabin kung saan niya inilagay ang susi at agad na binuksan ito. Nanlaki ang mga mata niya ng matagpuang wala ang susi roon.
“MAY TAKSIL SA GRUPO! GISINGIN LAHAT NG MIYEMBRO!”
Napaatras si Bambi dahil sa pagkagulat sa reaksiyong ipinakita ng kaniyang pinuno. Ngayon niya lamang ito nakitang magalit ng sobra sobra.
“M-masusunod pinuno!”
Agad niyang ginising ang mga miyembro at nagtipon-tipon silang lahat kasama si Tar.
Kahit antok na antok pa sila ay naalerto ang lahat sa inihayag na balita ni Bambi.
Tahimik na hinintay nila ang sasabihin ni Tar. Isa-isang tinignan ni Tar ang kanyang mga miyembro habang naglalakad.
Takot at kaba naman ang nararamdaman ng bawat isa sa posibleng mangyari sa kanila.
Ng matapos niya ng suriin ang bawat isa ay huminto siya sa paglalakad at humarap sa kanilang lahat.
“Nasaan ang kambal?!”
Nagkatinginan ang pitong tauhan niya at walang na-isagot.
Binigyan nila si pinunong Tar ng isang tingin na nagsasabing hindi nila alam.
Sa isip ni Pinunong Tar ay alam na niya kung saan nagtungo ang dalawa. Alam na din niyang ang dalawa ang taksil na nagpatakas sa bilanggo kaya kumuha siya ng armas at humarap sa kanyang mga tauhan.
“Maghanda kayong lahat! hahanapin natin ang dalawang taksil at ang bilanggo! Kapag nahanap na natin sila‚ parurusahan natin sila!”
~•~
JEWEL
“Sigurado ba kayong dito nakatago ang yate na sinakyan niyo noon?” tanong ko sa dalawang bugwit na kasama ko.
Tumango silang dalawa.
Malaki ang utang na loob ko sa dalawang batang ito.
Pinalaya nila ako sa kulungan kahit na alam nilang sa ginawa nilang iyon tiyak na mapaparusahan sila ng kanilang pinuno pero syempre bilang pagtanaw ng utang na loob‚ kailangan ko silang tulungan na makaalis sa islang ito at makabalik sa kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...
