--10--

1.8K 64 0
                                    

“The use of the Necklace”

~•~

THIRD PERSON

Nagsimula na sa paglalakbay si Jewel patungo sa ilalim ng dagat habang ang kaibigan niyang si Melody ay nakabalik na sa kanyang bahay. Pagbukas ni Melody ng pintuan ay si Grae agad ang una niyang nakita. Nakahiga ito sa isang mahabang sofa at nakabusangot ang mukha ng tignan siya. Kumunot ang noo niya.

“Oh? ba’t ganyan ka makatingin” tanong niya at pumasok na siya at nagtungo sa ref. Sinundan siya ng tingin ni Grae.

“Ba’t hindi mo kasama ang pinsan natin?”

Palihim siyang natawa sa tanong ng kapatid. Nangamgati siyang sabihin dito na hindi naman talaga sila magpinsan ni Jewel pero hindi pa ito ang tamang panahon.

Umuwi na.” tipid niyang sagot saka kumuha ng freshmilk sa ref at isinara na ito.

“Saan ba siya nakatira at ng mabisita ko naman minsan.” umangat ang tingin niya kay Grae na ngayon ay binibigyan siya ng makahulugang tingin. Tila ba hinuhuli siya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

Itinuon niya nalang ang pansin sa basong hawak-hawak at sa freshmilk.
“Nalimutan ko siyang tanungin.” sagot niya habang isinasalin ang freshmilk sa baso saka naupo sa hapagkainan at ininom ang hawak na inumin. May importante daw siyang gagawin” dagdag  niya pa.

Yun nga ba? O may Hindi ka sinasabi sa akin?” napatigil siya sa pag-inom at tinignan si Grae. Seryoso na ang mukha nito.

At kapag seryoso ito‚ isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi siya nito titigioan hangga’t hindi nalalaman ang sikretong itinatago niya rito.

“A-ano bang pinagsasasabi mo Kuya?”

Tila hindi umubra ang pagtawag niya ng kuya dito dahil mas lalo lamang itong sumeryoso. Pinaningkitan na siya nito.

Tss! kilala kita Melody. Alam ko ang reaksyon mo kapag may tinatago ka. Simula ng dumating yang si Jewel dito alam kong merong nagbago sa'yo. Iba na ang mga ikinikilos mo.”

Halata sa mukha ni Melody ang kaba at pagkabigla sa sinabi ng kapatid. Hindi niya aakalaing nakakahalata na pala sa kanya ito pero syempre inayos niya ang kanyang mukha at napangiti ng pilit para itago ang kaba. ano ka ba! Wala akong tinatago sa'yo nu! Are you insane? Hahaha”

Hindi nagbago ang expression ng mukha si Grae kaya naman napalunok na si Melody.

Mas lalo siyang kinabahan ng lumapit pa ito sa kanya at tinitigan siya ng masinsinan.

Sigurado ka? Hindi mo sasabihin?” sumilay ang mala traydor na ngiti ni Grae.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ko nalalaman ang totoo alam mo yan” patay na talaga.

Wala na talaga siyang takas sa mapang-usisang kapatid.

Napaatras siya sa kaniyang upuan at napangiti ng pilit.

W-wala akong sasabihin sa’yo dahil wala din naman akong itinatago sa’yo. ’Wag kang ano diyan.” sagot niya kay Grae pero hindi pinansin ni Grae ang sinabi niya sa halip ay lumapit siya sa kapatid at ikinulong ito sa mga bisig saka sinimulang kilitiin sa tagiliran.

Parang pinatay siya sa kiliti dahil sa sobrang kiliti niya sa katawan. Hindi tuloy siya makahinga ng maayos dahil sa kakatawa.

Hahahah! Ano ba hahaha! Grae! hahahhahaha! Itigil mo! hahaha yan!”

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon