--35--

1.5K 56 0
                                    

HACK

Damn that mermaid! Iniwan niya talaga ako dito? Iniisip niya bang susundan ko siya? Ha! Asa siya. Bahala siya sa buhay niya. Dito lang ako. Hindi ako susunod sa kaniya at lalong-lalo ng hindi ako magso-sorry. Anu siya sinuswerte? I’ve never apologize to a girl in my entire life. Well except for my mom‚ but that was a long time ago.

Napa-upo ako sa buhangin at pinagmasdan ang daang tinahak niya. For sure nasa kabilang ibayo lang siya nitong isla. Napahiya na ako kanina nung sinabi kong papasukin ko ang kagubatan pero bumalik ako at na-upo sa tabi niya. Hindi ko na hahayaang mapahiya ulit ako.

Dito lang ako. Maghihintay nalang ako na may barkong dumaan at makikisabay nalang ako.

It’s like this island is cursed.

Shit. Bakit ba ako nagpapa-apekto sa sinabi niyang ’yun? Maniwala sa kaniya. Hindi makatotohanan yun. Alam kong makakaalis din ako ng islang ’to. Alam ko.

~gruuu

Ugh! I’m starving. Anung kakainin ko?

Nilakbay ko ang tingin sa paligid at naagaw ng pansin ko ang isang mataas na puno ng buko.

Hm..

JEWEL


Bwiset talaga! Nakakainis talaga siya! Ang taas ng pride niya! Siya na nga itong may kasalanan tapos ayaw niya pang aminin na mali siya? Isang sorry lang naman ang hinihingi ko! Isa lang at pagkatapos ay okay na ako! Ang hirap bang magsorry?!

Padabog na napa-upo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Umiinit talaga ang dugo ko sa lalaking ’yon! Napakasama niya!

Leche. Sumasabay pa ang matinding init ng panahon sa init ng ulo ko. Pawis na pawis na ako at nakakapagtaka lang dahil nasa loob ako ng kagubatan which is dapat may sariwang hangin at hindi mainit pero ang init talaga. Para akong nasa disyerto.

Something is not right.

At hindi lang ’yon‚ ang lawak-lawak ng forest. Parang walang katapusan ang kalawakan niya. Kahit saan ako tumingin‚ wala akong matanaw na dulo. Puro matatayog na puno ang makikita mo at kapag tinitigan mo sila ng matagal‚ parang maliligaw ka.

Ow! Ow! Shit!”

Anu yun?

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Parang narinig ko yung boses ni Hack. Ano kaya ang ginagawa ng gagong ’yun?

Tumayo ako at naglakad papunta sa kung saan ko siya iniwan.


Mula sa nagkukumpul-kumpulang mga puno‚ natanaw ko siyang umaakyat sa puno ng buko pero paulit ulit siyang nahuhulog. Hindi niya man lang nakalahating akyatin yung puno.

Siguradong masakit na ang pwet niya dahil sa pagkahulog.

Psh. Matalino nga‚ hindi naman maabilidad.

Hindi ako makapaniwalang napakalampa niya! Kalalaking tao hindi marunong dumiskarte! Hay, jusko Lord.

Kawawa ang magiging asawa niya balang araw.


Gutom na siguro siya..

Hnp! He deserve that! Kulang pa nga yang pambayad sa panloloko niya sa’kin!

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon