JEWEL
Isang linggo na ang lumipas simula nung mapadpad kami ni Hack dito sa isla. Hindi pa siya gaanong marunong lumangoy pero hindi na siya takot sa malalim na tubig.
Ngayon ang araw na susubukan naming makaalis. Sana mag work out yung plano ko.
Isinakbit ko na ang bag sa likuran at lumabas na ng bahay.
“Mamimiss ko ang bahay na’to.” saad ni Hack pagkatapos niyang isara ang pintuan.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kinukuhanan ng litrato ang bahay gamit ang phone ko.
Kahit sa loob ng isang linggo lang‚ aminado akong masaya akong nakasama ko siya. Dito ko nalaman ang buo niyang pagkatao at dito ko rin siya nakilala ng buo.
Pero ito na ang huling araw namin..
Bakit nalulungkot ako?
~click
Napakurap ako ng marinig ang capture sound ng phone ko. Pagtingin ko sa kaniya‚ hawak niya yung phone ko at kinukuhanan ako ng litrato.
Anak ng..“Hoy anu ’yan?! Delete mo nga ’yan!”
“Hahaha! Ayoko nga!”
Itinaas niya yung phone para hindi ko maabot.
“Akin na nga ’yan! Ba’t mo ko kinunan?”
Shit ang tangkad niya! Kahit tumalon na ako para lang maabot ang phone‚ hindi ko talaga maabot.
“Eh sa gusto ko. Hahaha. Ang pangit mo dito. I-uupload ko ’to sa facebook!”
Tumigil na ako sa pag-aabot phone sa kamay niya at tinignan siya habang naka-cross arms. “As if naman magagawa mo ’yan. Akin ’yang phone eh. Ibubura ko lang naman ’yan saka hindi pa nga tayo sigurado kung makaka-alis talaga tayo dito.”
Ibinalik niya na sa’kin ang phone. “Yeah you’re right. Were not sure if we can go out in this cursed Island so easily.” sabi niya ng nakangiti ng wagas.
Kinunutan ko siya ng noo. “Ba’t parang natutuwa ka pa na hindi tayo sigurado kung makakalabas nga tayo ng isla?”
“Syempre. Ayoko naman talaga umalis dito.”
Napaatras ako ng ulo. “Anu bang meron sa islang ’to at ayaw mo nang lisanin?”
“Eh masarap ang buhay dito eh tsaka...” yumuko siya at nagkamot sa batok. “masaya akong....ka.”
“Ha?”
Sinamaan niya ako ng tingin. “Wala! Sabi ko tara na!” na-una na siyang maglakad.
“Hoy hintay naman!” hinabol ko siya.
Anu kaya yung sinabi niya? Masaya siyang ano? Hindi ko narinig. Bakit kasi ang hina ng boses. Kainis.
Huminto siya kaya na-untog ang noo ko sa likod niya. “Bakit ka tumigil?”
“Aakyatin ba talaga natin ’yan?” umangat ang tingin ko sa tinitignan niya.
Sa harapan namin may harang na malaking bundok. Walang ibang daan palabas kundi ang umakyat dahil nakukulong ang paligid ng mga nagtataasang bundok.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...