--38--

1.6K 68 0
                                    

JEWEL


Ayaw pumikit ng mga mata ko.

Tumagilid ako pakanan tapos tumagilid din pakaliwa pero useless.

Hindi talaga ako makatulog.

Magmula nung umalis na yung mga unggoy‚ nagdecide na kami ni Hack na matulog. Ang sabi niya‚ dun daw siya sa sala matutulog at dito nalang ako sa kwarto.

Okay na okay naman sa’kin yun dahil hindi na ako magtitiis na katabi siya pero ang hindi ko maintindihan‚ trenta minutos na pero dilat na dilat pa ang mga mata ko.

Bakit ba ako nagkakaganito? Gusto ko ng matulog pero ayaw pa ng mga mata ko.

Bumangon ako at na-upo sa gilid ng kama.

Kung kelan wala na yung multo tapos maganda pa ang klima dito saka naman hindi nakikisama ang antok. Ano ba yan.

Pumapasok sa isip ko yung tent.

Mali.

Yung dalawang magkayakap na nilalang na natutulog sa loob ng tent. Yun yung iniisip ko.

Okay. Kami yung nilalang na yun.

Bakit ba iniisip ko siya?

Parang gusto ko siyang katabi matulog.

Siguro nasanay nalang ang katawan kong katabi ko siya at kayakap niya ako kapag natutulog.

Talaga Jewel? Dalawang araw pa lang kayong magkayakap natulog, nasanay ka kaagad?

Nasapo ko ang sariling noo.

Ba’t ka ba nagkakaganiyan Jewel?

Parati kong naaalala yung warm body niya.

His warm embrace.

His soft breathing and the warmness of his chest against mine.

Leche plan! Napapa-english tuloy ang utak ko.

Puntahan ko kaya siya at akayin papunta dito sa kwarto tapos yakapin para makatulog na ako?

Pero parang siya dapat ang gumawa nun.

Pero sigurado akong hindi niya naman gagawin yun.

Pero wala naman sigurong mawawala kung ako na ang kikilos.

May mawawala ba?

Yes, your dignity.

Hay jusko! Nababaliw na yata ako. Bakit ba nagkakaganito ako? He's just a friend right? Wala naman sigurong malisya.

Tama, he's just a friend.

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Pupuntahan ko siya, tama. Kesa naman hindi ako makatulog.

Pagbukas ko ng pintuan‚ dumungaw ako sa sala para silipin siya.

Nakatalikod siya patagilid sa couch.

Tulog na ata.

Bumalik na lang ako sa loob ng kwarto at sinarado ang pinto. Napasandal ako sa likuran ng pintuan at napabuntong hininga, hopelessly.

Wala na yata akong ibang choice kundi ang piliting makatulog.

Pero dilat na dilat pa talaga ang mga mata ko.

Ano kaya ang magandang gawin?

Dahil sa hindi talaga ako inaantok‚ naisipan kong mag halughog sa buong kwarto. Inayos ko at pinagpagan yung mga damit sa loob ng dalawang kabinet. Tapos may walis din sa isang gilid kaya nagwalis na din ako.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon